Philips Gold dinaig ang Foton | Bandera

Philips Gold dinaig ang Foton

Mike Lee - April 12, 2015 - 12:00 PM

Mga Laro sa Lunes
(Cuneta Astrodome)
1:30 p.m. Cignal vs Shopinas
4:15 p.m. Mane ‘N Tail vs Foton
6:15 p.m. Philips Gold vs Petron
Team Standings: Petron (4-0); Foton (3-2); Shopinas (2-2); Philips Gold (2-3); Cignal (1-3); Mane ‘N Tail (1-3)

BINIGYAN ng Philips Gold ng magandang pagsasara ang kampanya sa 2015 Philippine SuperLiga All-Filipino Conference first round elimination nang daigin sa limang sets ang Foton, 25-18, 24-26, 25-21, 15-25, 15-13, kahapon sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Kinamada lahat ni Myla Pablo ang kanyang 21 puntos sa atake ngunit ang nagtiyak ng panalo para sa Lady Slammers ay si Hazel Mea nang butatain niya ang opensa ni Pamela Lastimosa para sa ikalawang panalo matapos ang limang laro sa ligang inorganisa ng SportsCore katuwang ang Asics, Mikasa, Senoh, Mueller Sports Medicine, Via Mare, LGR at Healthway Medical.

Balikatan ang naging labanan at tila naagaw na ng Tornadoes ang momentum nang hawakan ang 13-12 bentahe sa spiking error ni Pablo.

Ngunit itinabla ni Michelle Gumabao ang laro bago ang kill ni Patty Orendain ay tumama sa antenna para sa  set point ng Philips Gold na tinapos sa pamamagitan ng magandang depensa.

“Ang naging adjustment ko ngayon ay nagpalit-palit ako ng setter para magkaroon ng iba-ibang momentum. Magaling si Pablo pero hindi pa siya sanay sa mabilis na set ni Iris (Tolenada). Kung mag-click silang dalawa, maganda ang kalalabasan para sa amin,” wika ni winning coach Francis Vicente.

May 16 puntos si Gumabao, tampok ang anim na blocks, habang sina Rossan Fajardo at Desiree Dadang ay mayroong 14 at 12 hits.

Si Tolenada na mayroong limang puntos ay tumapos taglay ang 48 excellent sets at nakapalitan niya bilang setter si Sarah Jane Espelita para ibigay sa Lady Slammers ang ikalawang panalo matapos ang limang laro.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending