‘Uninvited’ grand launch kaabang-abang, may bonggang pasabog?
ANG daming curious sa gaganaping “Uninvited” grand launch bukas sa Solaire North dahil bulung-bulungan na maraming pasabog na mangyayari.
Maging ang ilang artista na hindi kasama sa pelikula ay nagtatanong, “nakaka-excite naman ‘yang launching ng Uninvited parang ang saya.”
May nagparinig pang, “sana maimbitahan ako diyan, ha, ha, ha, kasi balita ko may mga guest artists.”
Well, pelikula ito ni Ms Vilma Santos o Ate Vi kaya pinaghandaan talaga ito ng Mentorque Productions headed by President at CEO na si Bryan Diamante kasama si Rico Gonzales-Director, Distribution at Warner Bros Philippines at Project 8 Projects nina Direk Dan Villegas at Antoinette Jadaone with another box office director, Irene Emma Villamor.
Baka Bet Mo: Nadine Lustre malutong na minura si Aga, netizens excited sa ‘Uninvited’
Nagkatrabaho na sina Ate Vi at direk Irene sa pelikulang “Everything About Her” at nanalo ang huli bilang Best Screenplay mula sa Entertainment Editors’ Choice Award o The EDDYS noong 2017.
Going back to “Uninvited” ay marami na ang nakapanood mula sa iba’t ibang sector at iisa ang sinasabi, “ibang Vilma, Aga at Nadine ang mapapanood dito.”
Kami naman ay kailangan muna naming mapanood ito siyempre, to watch is to believe he he he.
Maging si Aga Muhlach ay excited din sa pelikula nila at nagpasalamat siya sa Mentorque.
“Thank You Mentorque Production See You God willing sa #UninvitedGrandLaunch (emojis wine glass, laughing face, stars).”
At saka sinabi ulit ni Aga ang famous line niya sa pelikula.
“Hindi Lang toh Basta Party, Hindi Lang toh Basta Celebration Tonight We Commemorate The Day I Defied my own Destiny” – Guilly.”
“We Witness The Star Studded Aga Muhlach, Vilma Santos-Recto and Nadine Lustre
#UninvitedMovie #UninvitedMMFF2024 #MentorqueXWarnerBrosXProject #AgaXVilmaXNadine
Samantala, nabanggit ni Bryan na excited siya sa gaganaping Parade of the Stars sa Disyembre 15 sa Manila City bilang host ng 50th Metro Manila Film Festival talagang hand ana ang float ng Uninvited na talagang bongga ito.
Remember, nanalong Best Float ang “When I Met You in Tokyo” nina Ate Vi at Christopher de Leon kaya challenge ito kung makakamit ulit ng pelikula ng Star for All Seasons ang award.
Ang nakakatuwa ay magkaka-tsika ang lahat ng producers at nabasa namin ang sagutan nina Bryan at Sylvia Sanchez ng Nathan Studios dahil nga magkasunod ang float ng “Uninvited” at “Topakk” ay magpapasahan daw sila ng pagkain dahil tiyak na maraming dalang food ang producer ng pelikula nina Congressman Arjo Atayde at Julia Montes.
Susme, pareho naming kilala ang dalawang producer, bumabaha talaga ng pagkain at unlimited drinks kapag sila ang may pa event. Kaya sa mga nagutom sa parada, alam na kung kaninong float sasabit.
Anyway, sino kaya ang mananalong Best Dressed sa Uninvited Gatsby/All Black mediacon bukas?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.