Toni sa kasal nila ni Direk Paul: Hindi ako Zobel o Ayala para pumirma pa ng prenup! | Bandera

Toni sa kasal nila ni Direk Paul: Hindi ako Zobel o Ayala para pumirma pa ng prenup!

Ervin Santiago - April 01, 2015 - 02:00 AM

toni gonzaga

KUNG si Toni Gonzaga ang masusunod, ayaw niyang pumirma ng prenuptial agreement bago sila ikasal ni direk Paul Soriano sa darating na June.

Ayon sa singer-TV host-actress, wala talaga sa isip niya ang usapin tungkol sa prenup agreement kahit na noong mag-propose na sa kanya si direk Paul.

Sey ni Toni sa The Buzz last Sunday, naniniwala siya na ang pagpapakasal ay hindi tungkol sa pera o ari-arian – it’s all about true love and respect.

“Actually nu’ng tinanong sa akin ‘yan, saka lang ako napaisip. Dapat ba may ganun talaga? Kasi iniisip ko naman, hindi naman ako Zobel or Ayala to do a prenup.

Normal lang naman ako. Kung ano naman ang meron ako, pinaghirapan ko,” paliwanag ng sisteraka ni Alex Gonzaga.Dagdag pa ni Toni, sa kaso nila ni Paul parang hindi na kailangan ang pirmahan ng prenup, “Ang program ko kasi sa pag-aasawa, once you get into a relationship…you will try your very best to make it work.

“Sa akin, kapag may prenup, parang in the long run iniisip mo na kasi baka in the future maghiwalay kami so kailangan sa akin ‘yung pera ko. ‘Yung security nasa pera, wala sa tao.

“I’d rather put my faith in God and the person I’m marrying and of course pray that it will work forever,” paliwanag pa ng aktres.
Pahabol pa ni Toni, sa loob ng walong taong relasyon nila ni Paul bilang mag-boyfriend, hindi kailanman nawala ang tiwala niya sa direktor, naniniwala siya na loyal sa kanya ang kanyang fiancè.

Nag-propose si Paul kay Toni noong Jan. 21 at kung hindi na magkakaroon ng problema sa wedding date, sa June 12 magaganap ang kasal ng magdyowa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending