Café France, Jumbo Plastic nanaig sa Tanduay Light, Hapee
Mga Laro sa Huwebes
(JCSGO Gym)
1 p.m. Cebuana Lhuillier vs KeraMix
3 p.m. Cagayan vs MP Hotel
Team Standings: Cebuana (2-0); KeraMix (2-0); Cagayan (1-0); AMA University (1-1); Tanduay Light (1-1); Café Frace (1-1); Jumbo Plastic (1-1); Hapee (0-1); Liver Marin (0-2); MP Hotel (0-2)
PINAWI ng Café France at Jumbo Plastic ang masasakit na pagkatalo sa unang laro nang daigin ang mga nakaharap sa 2015 PBA D-League Foundation Cup kahapon sa JCSGO Gym sa Cubao, Quezon City.
Naipasok ni Alvin Abundo ang isang triple matapos manakot ang Tanduay Rhum sa pagdikit sa tatlo tungo sa 68-62 panalo.
Pambawi ito ng Bakers mula sa 85-86 pagyuko sa Cebuana Lhuillier sa larong nakitaan ng paglayo ng koponan ng hanggang 20 puntos.
Si Maverick Ahanmisi ang nanguna uli sa Café France sa ginawang 16 puntos habang si Miguel Noble ay may 15 puntos para sa kanilang unang panalo.
“I hope we can improve in our next games,” wika ni Bakers coach Edgar Macaraya na ang koponan ay nagkaroon ng 12 triples sa labanan.
Sinira ng Giants ang hanap na magandang panimula sa puntiryang ikalawang sunod na titulo sa liga ng Hapee Fresh Fighters sa 64-61 tagumpay sa ikalawang laro.
Tumayong bida si Jaymo Eguilos nang naisalpak niya ang dalawang free throws sa huling anim na segundo para maisantabi ang pagdikit sa isa, 61-62, ng Hapee.
May 14 puntos sina Juami Tiongson at Glenn Khobuntin para sa Giants na sinamantala rin ang pagkakaroon ng mga bagong manlalaro ng Hapee.
Wala na sa tropa ni Hapee coach Ronnie Magsanoc ang mga San Beda players dahil maghahanda na sila sa 91st NCAA men’s basketball season.
Si Earl Scottie Thompson ay mayroong 17 puntos pero nagkaroon siya ng error sa opensa na kung nakumpleto ay nagbigay ng kalamangan sa Fresh Fighters sa endgame.
“This is our best chance to beat Hapee because most of their players are new,” sabi ni Giants coach Stevenson Tiu.
Si Chris Newsome ay nag-ambag ng 12 puntos para sa Hapee.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.