Alonzo Muhlach bibida sa remake ng ‘KUWATOG’, ‘NOGNOG’, ‘DARNA at DING’; Si Niño ang magdidirek | Bandera

Alonzo Muhlach bibida sa remake ng ‘KUWATOG’, ‘NOGNOG’, ‘DARNA at DING’; Si Niño ang magdidirek

Ervin Santiago - February 19, 2015 - 02:00 AM

nino muchlach
DESIDIDO  si Niño Muhlach na gawin ang lahat para makuha ng kanyang five-year-old son na si Alonzo  ang titulo niya noong “The Child Wonder”.

Naniniwala si Onin na mabigyan lang ng tamang gabay at magagandang proyekto si Alonzo ay hindi malayong maging child superstar din ang bagets  – at ito ay sa tulong nga ng Viva Artists Agency ni Boss Vic del Rosario.

Nu’ng isang araw ay pumirma na ng management contract si Alonzo sa Viva and co-managed by Aster Amoyo na isa ring respetadong entertainment columnist and TV host.

Sa presscon na ibinigay ng Viva kay Alonzo, natanong si Niño kung anong strategy ang gagawin nila para sumikat nang bonggang-bongga ang kanyang anak lalo na’t sandamakmak na rin ang mga magagaling na child stars ngayon kabilang na sina Ryzza Mae Dizon, Bimby Aquino-Yap at si Jana Agoncillo ng teleseryeng Dream Dad.

“Ito yung pananaw ko, after me, wala na talagang child stars na nag-solo talaga ng pelikula, na nagdala ng kanyang sariling pelikula. It was always Aiza Seguerra with Tito, Vic and Joey.

Laging may kasamang big star. Pero wala talagang nagso-solo na (tulad ng mga pelikula kong) ‘Bongbong’, ‘Tempong’, ‘Nognog’, ‘Enteng Anting’,  ‘Bruce Liit’, ‘Agimat ni Pepe’, ‘Pepeng Kulisap’, yung talagang siya ang lead.

“Wala po talagang batang gumawa noon kagaya ng ginawa ko. Kaya kung naisip ko na mag-aartista si Alonzo, sana maging ganu’n din yung gagawin niya.

Hindi lang yung ibang child stars na after ilang movies na nakasama ang bida, tapos mawawala na. Parang nagpagod ng oras. Mas gusto ko pa siguro na mag-aral na lang siya kung ganun din lang ang mangyayari,” ani Onin.

Ayon pa sa tatay ni Alonzo, sa kontratang pinirmahan nila sa Viva, magiging co-manager din ang D’Wonder Films, ang production outfit nila. Sila ang magkakatuwang sa pagpo-produce ng mga iri-remake niyang pelikula para kay Alonzo.

“Kaya nga po natutuwa ako sa deal ng Viva kasi co-production agreement ng D’Wonder Films at ng Viva. Na ipinagkakatiwala po nila sa akin yung pag-produce ng anim na pelikula na ‘yon.

“Kung gusto kong idirek, sino gusto kong kuning director, everything, basta buong production, sa akin ipinagkatiwala. So, talagang sigurado akong mababantayan ko si Alonzo,” sey ni Niño.

Kabilang sa gagawing pelikula ni Alonzo ay ang remake ng 1979 movie ni Niño na “Kuwatog” na mismong si Niño ang magdidirek, at ang original  na “My Hot and Sexy Mommy” kung saan makakasama niya si Anne Curtis.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hahataw na rin sa TV ang bata dahil bukod sa regular niyang kiddie gag show na Goin Bulilit, makakasama rin siya sa Wansapanataym Presents Yamishita’s Treasure ng ABS-CBN starring Coco Martin and Julia Montes at sa upcoming teleserye ni Alex Gonzaga na Inday Bote under Dreamscape Entertainment.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending