2015 Forecast ni Master Hanz Cua (2) | Bandera

2015 Forecast ni Master Hanz Cua (2)

Leifbilly Begas - February 18, 2015 - 01:48 PM

chinese horoscope

Ang pagpasok ng 2015 sa kalendaryo ng Chinese New Year sa Enero 19 ay mahalaga para sa maraming Pilipino, may lahi mang Chinese o wala.

Sa kalendaryo ng mga Chinese, ngayon ay Year of the Wooden Sheep.At upang maging masagana ang pagpasok ng Bagong Taon, mahalaga ang pagkakaroon ng bagong enerhiya para makahikayat ng kasaganaan, ayon sa Philippine Feng Shui Expert na si Master Hanz Cua.

Upang maging masagana ang 2015, ini-rerekomenda ni Master Hanz ang general cleaning at cleansing sa loob at labas ng bahay. Ipinapayo rin niya ang pagtatapon ng mga sirang gamit dahil dinadala umano nito ang tao sa kahirapan.

Dapat ding  isagawa ang paglilinis bago ang New Year, dagdag pa niya. At kapag malinis na, magsindi ng insenso para sa cleansing. Masuwerte rin ang pagsusuot ng pula para sa power at berde para makahikayat ng kayamanan.

Magpagupit din para ma-activate ang Peach Blossom Star of Romance lalo na sa mga  single. Maghanda rin sa media noche gaya ng karne, isda, gulay, prutas at mga cake para sa good luck.

Mas maganda kung merong  12 prutas—isa sa bawat buwan ng taon. Suriin din ang bahay upang masiguro na walang leak ang mga tubo ng tubig at electrical system dahil makaaapekto ito sa suwerte sa iyong bahay.

Ang pagbibigay naman ng ampao ay simbolo ng proteksyon at good luck. Ang mga matatandang Chinese ay nagbibigay ng ampao na may lamang pera upang maproteksyunan ang binibigyan nito laban sa mga multo.

At mag-ingay sa araw ng Bagong Taon para maitaboy ang mga masasamang espiritu. At narito ang dagdag pang pampasuwerte para sa iba’t ibang tao.

DRAGON
1940, 1952, 1964, 1976, 1988, 2000, 2012
Ang best friend ng Dragon ay Rooster at ang kanyang mga kaalyado ay Monkey at Rat. Kailangan naman niyang mag-ingat sa Dog.

Ang suwerte ng Dragon ay magdadala ng ibayong paglago, karangalan at pagkilala. Ang Year of the Sheep ay magdadala ng kasaganaan na dapat ibahagi sa iba. Ang pagdarasal ay makatutulong upang lalong maging masuwerte.

Yaman
Maka-tatanggap ng dagdag na sahod at bonus ngayong taon. Malaki ang iyayaman ng mga taong  ipinanganak sa Year of the Dragon.

Trabaho
Mayroong tiyansa na kunin ka ng ibang kompanya na mag-aalok ng mas magandang oportunidad. Mas makabubuting sunggaban ang mas magandang trabaho at magtiwala sa ginagawang trabaho. Magniningning ang kanilang career ngayong taon.

Relasyon
Mayroong malakas na suwerte sa romance ang Dragon ngayong taon. Ang mga away mag-asawa ay mabilis na ma-reresolba.
Dapat namang mag- ingat sa mga tsismis at back-stabber na maiingit sa iyong magandang love life.

Kalusugan
Positibo ang health luck ngayong taon at lalo pang mapagaganda sa pamamagitan ng meditation.

Lucky month
Disyembre at Enero

Unlucky month
Marso at Abril

Lucky color
Blue at brown

Lucky number
25 at 17

SNAKE
1941, 1953, 1965, 1977, 1989, 2001, 2013
Ang Snake ay best friend ng Monkey at ang kanyang mga kaalyado ay ang Ox at Rooster. Kailangan naman niyang mag-ingat sa Boar.

Ngayong taon ay mara-ming oportunidad ang kakatok sa mga taong ipinanganak sa taon ng Snake gayundin ang mga bagong pagka-kataon na makapasok sa ibang trabaho.

Pero kailangan niyang ituon ang kanyang atensyon sa mga bagay na kanyang ginagawa. Nasa sa kanya ang Wisdom at Career luck star na maganda para sa pagkuha ng exam, insurance at ari-arian ngayong taon.

Yaman
Ang Year of the Sheep ay magdadala ng yaman sa Snake. Mahalaga na mailagak ang pera sa isang long term investment. Makabubuti rin kung babayaran na ang mga utang at iba pang bayarin habang mayroon pang pera.

Trabaho
Mayroong malaking tiyansa na ikaw ay ma-promote sa trabaho. May mga tao na tutulong sa iyo upang magawa ang iyong trabaho.

Gamitin ng tama ang mga good blessing na darating sa ito at huwag kakalimutan ang mga taong pinagkakautangan ng loob at nakagawa ng mabuti sa iyo.

Relasyon
Ang Peach Blossom Star na iniuugnay sa romance ay hindi masya-dong malakas para sa Snake ngayong taon. Ang mga Single Snake ay kailangan ng extra effort upang makahanap ng kapareha.

Kalusugan
Hindi nagdadala ng magandang health luck ang Year of the Sheep para sa mga ipinanganak sa taon ng Snake. Kailangan din ng labis na pag-iingat dahil malapit sila sa aksidente at pagkasugat. Mag-ingat ng husto lalo na kung nagda-drive.

Lucky month
Oktubre at Pebrero

Unlucky month
Agosto at Setyembre

Lucky color
Orange at violet

Lucky number
35 at 21

HORSE
1942, 1954, 1966, 1978, 1990, 2002, 2014
Ang Horse ang best friend ng Sheep at kaalyado ng Dog at Tiger. Kailangan naman niyang mag-ingat sa Rat. Kailangan ng mga Horse na planuhin ang kanyang mga gagawin.

Ang Sui He Harmony star ay magdadala ng suwerte sa partnership at team work. Ang Mon Ye star naman ang magiging dahilan upang makahulagpos ang mga oportunidad na darating at para maging mali ang mga desisyong gagawin.

Kailangang mag-ingat ng Horse at alagaan ang sarili at mga mahal sa buhay. Dapat din niyang iwasan ang pressure at stress.

Yaman
Para sa Horse, ang Wealth star ay hindi malakas. Maaaring magkaroon ng financial loses ngayong taon kaya dapat maging maingat sa paggastos.Dapat ding mag-ingat dahil maaaring maloko.

Trabaho
Mayroong hamon na kakaharapin ang Work luck ng mga Horse ngayong taon. Kailangan niyang ituon ang kanyang atensyon sa ginagawa at huwag hayaan na maipon ang kanyang trabaho.

Relasyon
Malakas naman ang luck for romance ng Horse. Ang mga single ay may malaking tiyansa na makahanap ng kapareha na kanilang matagal na ma-kaka-sama.

Kalusugan
Magkakaroon ng mga minor health problem ngayong taon. Dapat na kumonsulta sa doktor upang maiwasan ang seryosong problema sa kalu-sugan.

Lucky month
Marso at Hunyo

Unlucky month
Setyembre at Oktubre

Lucky color
Pink at puti

Lucky number
49 at 24

SHEEP
1943, 1955, 1967, 1979, 1991, 2003, 2015
Best friend ang Sheep at Horse. Kaalyado naman niya ang Rabbit at Boar. Kailangan naman niyang mag-ingat sa Ox.
Ngayong taon ang suwerte ay hindi malakas sa Sheep dahil siya ay may direct conflict kay Tai Sui, ang god of the year.

Mas maganda ang kanyang naging 2014, Year of the Horse, kumpara ngayong taon. Ang lucky star ay wala sa kanyang chart ngayong taon kaya maaaring maraming pagsubok na kakaharapin.

Kailangan ng Sheep na umiwas sa mga argumento at maging mapagkumbaba. Dapat din siyang mag-ingat sa mga tao na kanyang pagkakatiwalaan.

Yaman
Ang wealth luck ng Sheep ay moderate ngayong taon. Kailangan nilang mag-impok at magtipid para may magamit sa panahon ng pangangailangan. Mas makabubuti rin kung magkakaroon ng dagdag na effort sa trabaho.

Trabaho
Kailangang ng Sheep ng conservative approach at huwag maging mapilit sa kanyang boss. Mahalaga na maging matalino sa mga ginagawa kaya makabubuti kung mag-iisip muna bago umaksyon.

Relasyon
Hindi malakas ang suwerte ng Sheep nga-yong taon. Ang mga single ay kailangang magkaroon ng extra effort upang makahanap ng karelasyon. Maaaring magkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa kapareha.

Kalusugan
Makabubuti kung sasailalim sa medical checkup ang Sheep sa pagsisimula ng taon. Kailangan niyang magbakasyon para makapag- relax. Malaking bagay ang maitutulong ng pagbiyahe sa mga tahimik na lugar upang ma-de-stress.

Lucky month
Mayo at Abril

Unlucky month
Hulyo at Oktubre

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Lucky color
Lavender at peachpuff

Lucky number
14 at 20

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending