Anak nina Alma at Tsong rarampa na sa Bb. Pilipinas 2015
HANDANG-HANDA na ang anak nina Joey Marquez at Alma Moreno na si Wynwyn Marquez sa gaganaping coronation night ng Binibining Pilipinas 2015 sa darating na March 15 sa Araneta Coliseum.
Ayon kay Wynwyn, matagal na niyang gustong sumali sa nasabing beauty pageant pero ngayon lang siya nagkaroon ng lakas ng loob dahil feeling niya, this is the right time for her to join.
Sa ngayon, todo pa rin ang preparation na ginagawa niya bago ang finals night, bukod sa araw-araw na pagpunta sa gym, hindi na rin daw siya kumakain ng pork, as in puro gulay na lang ang pinapapak niya para ma-maintain ang kanyang seksing katawan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.