One on One: Papa Jack mas kumportable sa kalye
HIT na hit among Pinoy listeners ang love advice sa radio program ng number one DJ ngayon sa FM station na si Papa Jack. Bukod sa love problems ng callers sa kanyang radio show, super naaaliw rin ang mga tagapakinig kung paano makipag-usap at sagutin ni Papa Jack ang mga tanong sa kanya.
No wonder he was offered by TV5 for a new show that will showcase his multi-facet talents. At ang titulo ng bago niyang show sa Happy network ay “Call Me Papa Jack” na mapapanood tuwing Sabado at 10 p.m.
Pero sino nga ba si Papa Jack? Marami pa rin ang hindi nakakilala sa kanya, personally. Sa presscon ng “Call Me Papa Jack,” nagkaroon nang pagkakataon ang BANDERA na makilala siya nang mabuti.
Hindi naman naging madamot si Papa Jack to share his personal life with us. Narito ang kabuuan ng panayam kay Papa Jack:
BANDERA: Ano ang tunay mong pangalan?
PAPA JACK: Ang real name ko po is John Gemperle. Married na po ako and my wife’s name is Toni Rose Mañago. I have a daughter and she’s 10 years old. Her name is Chloie but I call her Klong-Klong.
Hindi po ako kasal sa mother niya. Pero pinangatawanan ko po ‘yung anak namin. We tried to work it out. But during that time, ambisyoso po kasi ako. I think, hindi naman po masamang bagay ang maging ambisyoso. Kaka-graduate ko lang po noon sa PUP. I was only 20 years old that time.
B: Paano niya nakilala ang misis niya?
PJ: Nag-model po siya sa akin. I used to do photography po kasi. During that time na nag-photo-shoot kami, medyo rocky na ‘yung relasyon with my past. At noong time na wala na, I still have her contact, tinext ko po siya.
Sabi ko, ‘Gusto mo ba’ng magtrabaho?’ Joke! Ha-hahaha! But seriously, tinanong ko siya if we can get to know each other more.
During that time meron po siyang boyfriend. Though, they were having a hard time noong mga panahong ‘yun. Swerte ko po sa asawa, lagi ko pong sinasabi.
B: Lagi niyang kasama ang misis niya sa radio?
PJ: Dati po, pero ngayon hindi na. I’m glad na hindi na po. Kasi, well, burn-out factor. Kasi uuwi naman ako ng bahay. I don’t want her to look at me like Papa Jack.
B: Kini-criticize ba siya ng misis niya sa pagbibigay niya ng love advice sa radio?
PJ: Ay, opo, and I listen to her. Iba ang punto de vista ng babae. Laging iba. They look at things in a different angle. Sobrang iba sa lalaki.
B: Kung Papa Jack siya sa kanyang radio listeners, siya naman si Papa P (Piolo Pascual) pag-uwi niya ng bahay nila?
PJ: Hahahaha! Sa bahay po ako po’y tatay ng dalawang aso. May aso kami. Kasi po ‘yung daughter ko nakatira sa mama niya. Kapag weekends lang kami magkasama.
B: Ilan na baby nila?
PJ: Ako pa lang po. Hehehehe! Actually po, we lost a baby. Dati na-write-up na ako diyan, e, na ano, pina-abort daw namin. Iniyakan namin ‘yun, kasi parang dagdag sa insulto.
Kasi po noong time na ‘yun, ano pa lang kami, nag-move on pa lang kami, doon sa pagkawala ng baby nu’ng may lumabas na pina-abort daw namin.
Ano po ‘yun, e, first check-up, punta kami (sa doktor). Tuwang-tuuwa kami. Second check-up, third, pagdating sa fourth, wala na pong heartbeat. Iyak kami nang iyak noon.
Tapos may lumabas na write-up na pinalaglag daw, kaya mas lalong masakit. That’s why may dog po kami.
B: Hindi naman sila sumusuko na one day magkakaroon din sila ng anak ng wife niya?
PJ: Opo, kagabi lang po nag-try kami. Hahahaha! Normal naman kasi mag-asawa kami. Pero ayaw naming i-pressure ang sarili namin. So, sinabi ko sa wife ko na huwag mong madaliin. I’m 32 now, 23 ‘yung wife niya. Pero si wife ko, okey na sa kanya na mag-family.
B: May wish ba sila ng wife niya kung ano ang gender ng first baby nila?
PJ: Wala po, kahit na ano. Ganyan din po ako nu’ng pregnant ‘yung ex ko sa first baby ko. Gusto ko lalaki. Pero paglabas, babae.
B: Aware ba siya that there was a time na pinagdudahan din ang gender niya?
PJ: Opo, opo. Pero hindi po ako naapektuhan. Kahit naman po ngayon, e. Halimbawa, sa Twitter po? Karamihan diyan aawayin ka. Reasons against reasons. Hindi ko pinapatulan, e. Hindi mo mapi-please lahat ng tao.
B: Hindi siya napikon?
PJ: Honestly po kapag may nagagalit sa akin sa radyo, sila ‘yung lagi kong binabati. I make an effort para maging kaibigan sila. Binabati ko sila. I can remember one name, Paolo Soza.
Lagi po ‘yan, masakit po siya magsalita sa akin sa Twitter. Pero minsan iniisip ko po, baka may point siya, e. Baka hindi ko nakikita. Magkaibigan na po kami. He’s in Canada. Lagi siyang nagtu-tweet lang. Lalaki po siya.
B: Mahirap ba magkaroon ng kapatid na bading?
PJ: Hindi po. I don’t think may pagkakaiba po ‘yun. I’m very radical pagdating sa gender.
B: Walang nambastos o nanukso sa kanya sa school noon having gay siblings?
PJ: Okey lang po. Pero wala pong nambastos sa akin. But sa school noon, I can’t specifically remember kung tinukso ako noon. Maybe I just didn’t mind. Kasi okey lang sa akin. Oo, deadma lang ako. E, ano ngayon. Hahahaha!
B: Hindi ba mahirap sa pamilya nila na magkaroon ng relative na bading?
PJ: Hindi po, e. Noong time na ‘yun active pa sila pagko-cross dress nila, nagsi-share sila ng lipstick ng mommy ko. Nakakatipid pa kami.
B: Magkakilala silang lahat na 16 na magkakapatid?
PJ: Ay, opo. We go out. It was my father’s last request po sa ospital. Ah, he died first week of November. Six years ago po. So, ang request niya, kasi magbi-birthday siya ng November 8 noon, maipon ‘yung anak niya.
So, by November 3, naipon kami, ‘yung mga nasa Pilipinas, mga 12 po kami na nandito. ‘Yung iba po nakaalis na ng bansa.
Tatlo po ang naging ano, ng father ko. ‘Yung mom ko buhay pa.
Ang Mama ko po ngayon is, nasa bahay ko po. Ako po ang nakatoka sa kanya. Goal ko po ‘yan na mag-alaga sa kanya.
B: Paano hina-handle ng pamilya niya na mayroong celebrity sa kanila ngayon?
PJ: Ah, wala po. Ngayon lang po ako naka-make-up at naka-tuck-in. Alam ninyo kapag baha nasa labas ako, e. Tumutulong po ako sa mga lumulubog ang tambutso. Hahahaha!
Komportable ako sa kalsada kasi laki po ako diyan, e. Tindero po ako ng ice buko dati, sa Pangasinan po. Taga-Alcala, Pangasinan po ako. Naging tagalinis po ako ng kulungan ng baboy sa Pangasinan, sa lola ko po, nakikitira kami. ‘Yan po ang nagpa-aral sa akin nu’ng high school. Saka clown po.
B: Parang boyoyong?
PJ: Opo, ganoon. Kasi kailangan po para makatapos ako ng high school. Noong nag-start po akong mag-waiter, nag-waiter din po ako, kaya po ako naging clown dahil nag-waiter po ako.
Sa catering mas pagod ‘yung waiter. ‘Yung clown pupunta lang, magma-madyik, aalis na.Nag-clown ako, malaki pa sweldo.
B: Mayaman na siya ngayon?
PJ: Wala pa akong sariling bahay. Sana makapag-ipon. ‘Yan po ang nagawa ng marriage sa akin. Dati ang gusto ko, kotse. Accessorize ng kotse. ‘Yung mga ganoong maliliit na bagay.
Kasi ‘yun lang ang kaya ng pera ko po, e. Ngayon, iba na. May kotse po ako, pero hindi pa ako nakatikim ng brand new. I always buy second hand.
B: Sabi niya, mahilig siyang lumabas ng bahay kapag may baha. Hindi ba siya natatakot na tumirik ang kotse niya sa baha?
PJ: Hindi po, naglalakad-lakad lang po ako. Tapos iba-iba po ang ginagawa kong tulong. Depende kung ano po ang magawa ko.
B: Magkano ang TF niya as endorser ng isang produkto?
PJ: Nakapagpatayo po kami ng dalawang salon.
B: Inuna niya ang business kesa sa bahay nila?
PJ: It’s my gift for my wife. Sa may Makati po ‘yung salon namin, dalawang branch.
B: How true na muntik na siyang mamatay noon dahil gusto siyang nakawan?
PJ: Ah, opo. Nasaksak po ako noon, dito, isa, dalawa (sa harap). Naholdap ako, e, sa Caloocan. Madaling-araw po ‘yan. Hiwalay na kami ng mother ng anak ko. Dumalaw lang ako.
Dahil ang pasok ko po ay, first day ko mag-madaling-araw sa call center noon at gising pa ‘yung baby ng madaling-araw kasi parang may party noon. Dumaan ako sa bahay nu’ng mama ng anak ko.
Nu’ng paalis na ako, nagte-text ako sa daan, nasaksak ako. Twice sa likod, dalawa sa harap. Pero hindi naman nila kinuha ‘yung cellphone ko.
I don’t even think holdaper sila, e. Parang nag-trip lang sila. Tapos bumalik po ako sa mother ng anak ko, dinala nila ako sa osptial. Nanghiram ako ng motor.
B: Paano naman niya tinanggap ang TV show na “Call Me Papa Jack” sa TV5? Ano ang mga demand niya?
PJ: Wala po akong demands maliban po sa taping ng show.
B: Sino ang nag-isip ng concept ng show?
PJ: Nag-suggest din po ako. I asked specifically to have one body na hindi ko kasama ‘yung guest. Para lang ma-interrogate ko ng maayos ‘yung caller po. The rest po ng remaining bodies po kasama ko na ‘yung ano, sila po kasi ‘yung nakakaalam kung ano ang maganda, e. Again, wala po akong ano, masyadong idea sa TV show.
B: Pinangarap ba niya na maging TV star?
PJ: Honestly, gusto kong maging film director. Kasi nagpo-photgraphy po ako. I think, pwede siyang mag-progress sa ganoong bagay. It’s a dream na ayaw kong bitawan.
Eto na po, baka sakali po matututo ako. Kaya ‘yung direktor namin sa show, si Raymond. Kinu-close-close ko rin, e.
B: Aware ba siya na sikat na siya ngayon?
PJ: Kung aware ako, opo naman. I’m aware na matunog na ang pangalan ko.
B: So, paano niya hina-handle ang fame and adulation ng tao sa kanya ngayon.
PJ: I am always reminded by the wife. Best friend ko talaga siya. That’s why I’m grounded. I learned a lot from her. She’s vey, very, she’s nine years younger than me. Kapag nasa radio program ko ako, tinatawagan ko siya. Kinukulit ko siya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.