MAYWEATHER-PACQUIAO MEGAFIGHT ITULOY NA | Bandera

MAYWEATHER-PACQUIAO MEGAFIGHT ITULOY NA

Mike Lee - January 25, 2015 - 12:00 PM

IPINARATING ng mga kababayan ni Floyd Mayweather Jr. kung sino ang nais nilang makita na makalaban ng pound for pound king sa pagbabalik nito sa Mayo.

Nanood si Mayweather ng laro ng Los Angeles Clippers at Brooklyn Nets sa Staples Center at sinalubong siya ng mga hiyawan ng mga manonood na si Manny Pacquiao ang nais nilang makitang katunggali nito.

“We want Pacquiao, we want Pacquiao,” ang mga isinisigaw ng mga manonood na iniulat ng LA-based basketball reporter na si Robert Morales.

Matatandaan na sa isang panayam kay Mayweather ay sinabi niyang walang pang napagkakasunduan para sa pagkikita nila ng Pambansang Kamao sa Mayo 2 upang pabulaanan ang mga sinabi nina Bob Arum ng Top Rank at Michael Koncz na siyang adviser ng Pacman.

Ang pagkilos ng mga NBA fans kay Mayweather ay ikinatuwa ni Arum at nanawagan din siya sa iba pang nagnanais na makita sa ring ang dalawang hinahangaang boksingero sa panahong ito na gumawa ng paraan para mapuwersa ang walang talong  US boxer na tanggapin ang laban.

“I think that they should bombard the internet send Twitters and Instagram, whatever they have to do, (and say) Floyd sign the damn contract,” pahayag ni Arum sa Foxsportsasia.com.

Muli ring tiniyak ni Arum na ayos na kay Pacquiao ang lahat ng kondisyon na inilatag ni Mayweather at tanging siya na lamang ang hinihintay para matuloy ang laban.

“Don’t you understand, to have a fight happen you need two fighters,” ani ni Arum. “Now I know we got one fighter and that’s Manny Pacquiao. The other guy, I’m not sure of…because I really have always had doubts whether he would  fight Pacquiao.”

Kung hindi kakagat si Mayweather, ang British boxer na si Amir Khan ang makakaharap ni Pacquiao.

Nagkita ang dating magka-sparmate sa London dahil bumisita ang Kongresista ng Sarangani Province kay Prince Harry at nagkausap kasama ang kanilang mga pamilya sa isang hapunan noong Huwebes.

Nagkaroon ng pag-uusap sina Pacquiao at Khan at bukas ang una na harapin ang huli na posibleng gawin sa Wembley Stadium kung tuluyang  hindi maisasara ang usapin para harapin si Mayweather.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending