Marjorie maling-mali ang pagtatanggol kay Julia laban kay Dennis | Bandera

Marjorie maling-mali ang pagtatanggol kay Julia laban kay Dennis

Jobert Sucaldito - January 24, 2015 - 03:00 AM

dennis julia padilla
Anyway, medyo hindi ako pabor sa mga lumalabas na depensa ni Ms. Marjorie Barretto regarding the “isnaban” isyu ng mag-amang Julia Barretto and Dennis Padilla sa nakaraang Christmas party ng Dreamscape Entertainment.

Ang sinasabi kasi ni Marjorie ay hindi nakita ni Julia ang ama sa party at sana raw, since nakita naman ni Dennis ang anak, dapat ay ito na ang lumapit sa anak para batiin.

Hindi raw dapat pinalalabas na suwail na anak si Julia because it doesn’t look good for the girl. Kumbaga, si Dennis ang tinuturo ni Marjorie na parang may kasalanan pa.

“Mas mahirap on the part of Dennis na lumapit sa anak dahil aware naman tayo kung paano na na-brainwash ang bata kaya sumama na rin ang loob sa ama – di ba’t pumayag si Julia na alisin ang apelyido ni Dennis at Barretto na lang ang ginagamit?

Kung nilapitan ni Dennis ang anak, tiyak na iisnabin talaga siya nito, parang di niyo naman kilala ang mga Barretto – that’s how they are, di ba?

“Kaya nauunawaan namin si Dennis kung sumama ang loob nito nang hindi man lamang nilapitan ni Julia sa party para batiin. Hindi puwedeng sabihing hindi niya nakita ang ama dahil she was seated two tables apart lang.

Dapat talaga riyan ay si Julia ang lumapit sa tatay niya – hindi the other way around kaya mali dito si Marjorie sa pagtatanggol nang pasaliwa sa isyung ito.

“Dapat sinabihan pa niya ang anak niya to apologize to her father – hindi yung kakampihan pa niya kahit mali. Kahit sino, walang puwedeng magsabing tama ang ginawa ni Julia na pag-iisnab sa tatay niya.

Anak lang siya, wala siyang karapatang magmalaki sa tatay niya. Kung hindi dahil sa tatay niya, wala siya sa mundong ito. Period. Walang comma,” mataray na tinuran ng isang writer na nakapagtapos ng kolehiyo with a master’s degree.

Oo nga naman, Sa situwasyon nila, it will be very awkward for Dennis na siyang lalapit sa anak – for sure ay masayang-masaya ito at nasilayan ang mahal na anak pero dala ng baka lang mapahiya sakaling isnabin o mabastos lang ng anak, might as well nandoon na nga lang siya sa table niya.

But Julia should have come to her dad and said hello dahil kahit ano pa ang sabihin natin, once a child comes to a parent, walang magulang ang iisnab sa anak kahit gaano pa kasama ang loob nito.

She doesn’t even have to say sorry – the gesture of greeting him lang would have appeased him as a father. kaya mali si Julia rito – kahit saang anggulo mo tingnan.

Tapos maglalagay pa siya sa social media account na ng posts thanking her every fan for the support they gave her dala ng isyu with her father.

That’s terrible. She seems to be fighting with her dad na nga. Kaya kami, wala kaming respeto sa anak who fight their parents. We hate them.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tanong lang, alam ba ng mga Barretto (yung mga galit lang sa mga magulang nila, ha) na nasa kultura ng bansa natin ang pagiging mapagmahal sa mga magulang? Baka kasi hindi, ipapaalala lang natin. Just trying to help, you know.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending