Andi walang paki kung isinusuka man ni Jaclyn Jose si Bret Jackson | Bandera

Andi walang paki kung isinusuka man ni Jaclyn Jose si Bret Jackson

Ervin Santiago - January 07, 2015 - 03:00 AM

ANDI EIGENMANN AT BRET JACKSON

ANDI EIGENMANN AT BRET JACKSON

WALANG pakialam si Andi Eigenmann kung hindi man boto ang ina niyang si Jaclyn Jose sa rumored boyfriend nitong si Bret Jackson.

Very open kasi ang nanay ni Andi sa pagsasabing ayaw niya kay Bret dahil isa raw itong oportunista. Sa huling panayam namin kay Jaclyn, diretso nitong sinabi na ayaw niya sa dating PBB housemate para sa kanyang anak.

Sa interview ng The Buzz last Sunday sa dalagang ina, tinanong siya kung ano ang masasabi niya sa sinabi ni Jaclyn?

“As of now, it doesn’t, because parang…puwede naman niyang sabihin what she wants, pero hindi pa rin naman niya nakikilala si Bret. I know how close my mom to my ex (Jake Ejercito). So, maybe.,” ang tugon ni Andi.

“Yes, she loves Jake,” ulit pa ng aktres. Na totoong-totoo naman dahil inamin din ito ni Jaclyn sa ilang miyembro ng entertainment media sa Christmas party for the press ng talent management niyang PPL.

Nu’ng mainterbyu namin si Andi sa presscon ng bago niyang pelikula, ang “Tragic Theater”  under Viva Films, sinabi nitong sana raw ay kilalanin muna ng kanyang ina si Bret bao husgahan.

Tungkol naman sa hula na magkakatuluyan sila ni Bret this year pero magkakaproblema rin dahil sa third party, anang Kapamilya actress, “It’s so funny! Wala pa ngang nangyayari sa relationship, may third party na.”

Pero ano nga ba talaga ang relasyon nila ni Bret? “Well, I don’t know, I guess we enjoy each other’s company and we really. We hang out a lot.”

“I don’t know, nothing’s happening yet. It’s just the beginning. I just came out from a long and very complicated relationship. I would want to take things slow,” dugtong pa ni Andi.

Kung meron daw siyang natutunan sa naging relasyon nila ni Jake Ejercito, “Yun nga po, na huwag magmadali. Huwag masyadong agad, lahat-lahat. Kasi, hindi mo naman malalaman kung masasalo mo.”

Sa hiwalay namang interview ng The Buzz kay Bret, sinabi nitong gusto niyang maging bahagi ng 2015 si Andi, ano ang masasabi rito ng aktres? “Well, to me, I think everybody knows na, yes, I am starting a new 2015. Siyempre, hindi lang pagdating ng bagong taon, siyempre bagong chapter din ng life ko.

“I lost two people who are really important to me. Now, I just want to make sure na magiging masaya na ako,” na ang tinutukoy nga ay ang namatay niyang amang si Mark Gil at ang pahihiwalay nila ni Jake noong nakaraang taon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa pagpasok ng 2015, ano ang mga gusto niyang gawin o mangyari sa buhay at career niya? “More work, I mean, yun lang naman po ang gusto ko, mag-focus sa trabaho. Para rin sa daughter ko, kay Ellie, I just want this New Year to be all about her and me,” ayon pa sa anak ni Jaclyn Jose.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending