KC kay Marian: Akala ko talaga isnabera at mataray siya!
Naikuwento ni KC Concepcion sa ilang members ng entertainment media sa ibinigay niyang Christmas party for the press kung paano sila naging close ng GMA Primetime Queen na si Marian Rivera.
Isa kasi ang Kapamilya actress sa magiging abay sa kasal nina Marian at Dingdong Dantes. Actually, kahit kami ay nagulat nang mapasama sa wedding entourage nina Marian at Dingdong si KC na magaganap na nga bukas sa Immaculate Conception Church sa Cubao, Quezon City. Si KC ang maglalagay ng cord sa mga ikakasal.
Sey ni KC matagal-tagal na rin silang friends ni Marian, “May endorsement kami before—me, Marian, Dingdong and Piolo (Pascual). And then, close siya sa mga Tuviera and close din kasi ako sa mga Tuviera.
And lalo yung…sila kasi yung mga naka-discover sa kanya. “One time, nabulungan ako ng isa, nakuwentuhan ako na grabe si Marian, nabigyan namin ng chocolates noong bagong discover siya, tuwang-tuwa siya, ang babaw ng kaligayahan.
So, tuwang-tuwa ako. Akala ko snob siya, akala ko mataray kasi, Kastila ang hitsura. So, I said, why not?” chika ni KC.
Dugtong pa ng rumored girlfriend ni Paulo Avelino, “Kung boyfriend niya si Dingdong, meron kaming pag-uusapan.
Kasi, Dingdong din naman is Inglisero. Hindi ako maiilang, hindi siya maiilang. And then, in the end, I gave her chocolates four years ago. Every time, nagte-textan lang kami.
“Every time na magkikita kami sa mga shows, nagha-hi kami. Parang we have a fondness lang for each other. Alam kong nandiyan siya kahit hindi kami araw-araw na nagkikita and I’m there for her, alam niya yun,” paliwanag pa ni KC.
Pagdating naman sa relasyon nila ni Paulo Avelino, maingat pa rin sa pagsasalita si KC. Ayaw nilang lagyan ng anumang label ang kanilang samahan, “Kasi, between us naman, we know naman what we have, what we feel for each other.
Honestly, ako personally, ayaw ko siyang ma-pressure for anything. “Kasi may times na ako, siyempre, may priorities na nag-iiba. Suddenly, next year, na nari-realize ko na gusto ko ng ganito, ng ganyan.
Mahirap to talk about a serious relationship, because he’s also coming from a different situation, ‘di ba? Iba rin yung priorities niya ngayon.
“Yun lang, kaya ayaw naming i-label kasi, dun kami hindi masyadong nagmi-meet, to be honest. But at the same time, respeto ko bilang babae, na ibigay sa kanya yung space to grow as a man.
And katulad nang sinasabi ko, ‘andito ako para i-improve yung buhay niya, at hindi para maging liability,” ani KC.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.