Bossing aprubado ang kasalang Aiza-Liza; nagprisintang ninong | Bandera

Bossing aprubado ang kasalang Aiza-Liza; nagprisintang ninong

Reggee Bonoan |December 20,2014
facebook
share this

Bossing aprubado ang kasalang Aiza-Liza; nagprisintang ninong

Reggee Bonoan - December 20, 2014 - 03:00 AM

aiza seguerra
WALANG itinuturing na ka-laban si Vic Sotto sa darating na 2014 Metro Manila Film Festival kung saan kasali ang pelikula nilang “My Big Bossing”.

Makakasama niya sa movie sina Ryzza Mae Dizon, Nikki Gil, Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros, Niño Muhlach, Maricar de Mesa at Marian Rivera na ikakasal naman sa GMA Primetime King na si Dingdong Dantes na may entry din sa taunang filmfest, ang “Kubot: Aswang Chronicles”.

Incidentally, magiging ninong nina Marian at Dingdong si Vic sa kasal na gaganapin sa Dec. 30, kaya natanong si Bossing kung ano ang feeling na makakalaban nila ni Marian sa takilya si Dingdong?

“Ayokong gamitin yung kalaban…kasabay. Hindi naman maganda yung naglalaban-laban kayo, magkakaibigan kayo. Walang kalaban, isa lang tayo dito, isa lang ang industriya natin, isa lang yung Metro Manila Film Festival.

“Let’s all work for the success of everybody, mas mahigitan pa sana yung gross ng festival last year, which is medyo may kalakihan, pero alam kong kayang i-achieve,” paliwanag ng TV host-comedian sa nakaraang presscon ng “My Big Bossing” kung saan hindi na nakadalo si Marian dahil busy na ito sa pagpe-prepare sa wedding nila ni Dingdong.

Nang mapag-usapan na ang Marian-Dingdong wedding, natanong si Bossing kung ano ang magiging regalo niya sa kanyang magiging inaanak,  “For the foundation,” sagot niya.

Nag-announce na kasi ang royal couple na lahat ng regalong makukuha nila mula sa kanilang principal sponsors ay mapupunta sa Yes Pinoy Foundation ni Dingdong.

Kinuha ng press kung ano ang komento rito ni Vic, “That’s good. That’s very nice of them kasi hindi nila iniisip yung sarili nila, ang iniisip nila ay yung ibang tao, na makatulong sa ibang tao.

Mga sikat kayong mga tao, magagamit niyo yun sa mabuting bagay yung kasikatan ninyo.”

Todo rin ang suporta ni Vic Sotto sa pagpapakasal ng anak-anakan niyang si Aiza Seguerra kay Liza Diño. Itinuturing na ni Aiza na ikalawang tatay sa showbiz si Vic kaya siguradong mahalaga ang sasabihin nito sa kontrobersiyal na pagpapakasal ng singer sa kapwa babae.

“I support her all the way. Kasi ako naman, personally, kung saan masaya ang aking mga kaibigan, ang aking mga anak, doon ako. “Siguro hindi sila naiintindihan ng ibang tao, pero opinyon nila yun, I respect their opinion.

So, I expect them to respect my opinion also,” esplika ni Bossing. Sa katunayan, talagang humingi si Aiza ng approval sa kanya bago maganap ang kasalan, “Oh, yeah.

At ‘pag dito (sa Pilipinas) sila ikinasal… ‘pag dito sila nagkaroon ng seremonya, I’ll be one of the ninongs. Anak ko yun, e.”
Nang magpaalam si Aiza sa kanya, anong nasabi niya? Ano ang sinabi niya kay Aiza noong magsabi ito sa kanya tungkol sa pagpapakasal? “Simple lang, ‘Go!’”

Chika pa ni Vic, “Nakikita ko kasi sila, e, noong ginagawa namin yung ‘My Little Bossing’ (2013) nakikita ko kung gaano sila nagmamahalan, kung gaano sila kasaya, how they take care of each other.

So, nu’ng  nabanggit sa akin na magpapakasal sila o ipo-formalize nila yung kanilang relationship, go!” Sayang nga raw at hindi pumuwede si Aiza sa “My Big Bossing” na sinasabing lucky charm niya sa pelikula, “She was busy.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Maraming siyang inasikaso. Kasama naman talaga dapat siya, but of course, personal yun (kasal). Unahin muna natin yun.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending