Angelica: Ilang beses nasaktan, pero 'di sumuko sa pag-ibig

Angelica: Ilang beses nadapa, nasaktan, pero ‘di sumuko sa pag-ibig

Ervin Santiago |April 29,2024
facebook
share this

Angelica: Ilang beses nadapa, nasaktan, pero ‘di sumuko sa pag-ibig

Ervin Santiago - April 29, 2024 - 06:10 AM

Angelica: Ilang beses nadapa, nasaktan, pero 'di sumuko sa pag-ibig

Angelica Panganiban at Gregg Homan

NEVER sinukuan ng Kapamilya actress na si Angelica Panganiban ang love sa kabila ng ilang beses na pagkabigo sa pakikipagrelasyon.

Iyak nang iyak ang aktres at celebrity mom habang binabasa ang wedding vows para sa kanyang asawang si Gregg Homan sa kanilang beach wedding na ginanap sa Siargao last week.

Sa isang Instagram reel, inamin ni Angelica na maraming pagkakataon na na nasaktan siya nang dahil sa pag-ibig pero hindi siya kailanman nawalan ng pag-asa na may taong darating sa buhay niya na mamahalin din siya nang bonggang-bongga.

Baka Bet Mo: Willie biglang kambiyo kay Cristy: ‘I’m very sorry nasaktan kita pati pamilya mo, pasensiya na naging emosyonal ako’

“Ilang beses din akong nadapa, nasaktan, umiyak. Pero ni minsan, hindi ako sumuko sa pag-ibig.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


‘Alam kong darating din ang panahon na ibibigay din sa akin ng Bathala ang karapat-dapat. At dumating ang araw na hindi ko malilimutan—dumating ka,” ang lumuluhang mensahe ni Angelica kay Gregg.

Dugtong pa niya, “Ikaw ang naging sagot sa lahat ng bakit ko noon. Dahil sa ‘yo, naging sapat ako.”

Sey pa ni Angelica, ang anak nilang si Amila Sabine o Baby Bean ang totoong nagturo sa kanya kung paano magmahal nang walang kapalit o anumang kondisyon.

Baka Bet Mo: Jennica Garcia nasaktan nang hindi natupad ang pangarap na maging ‘asawa’: Alam kong hindi ako magiging masaya

“Salamat dahil hindi lang ikaw ang dumating. Dumating ang isang tao na hihigitan pa ang kapasidad kong magmahal nang dumating si Bean sa buhay natin,” sey pa ni Angge.

Pagpapatuloy pa ni Angelica, “Pangakong hindi na ako matatakot, at sasanayin ko na ang sarili kong may nagmamahal sa akin nang totoo at nag-aalaga nang wagas.

“Kasi ang sarap pala kapag nasusuklian lahat ng binibigay mo.

“Habang buhay, mahal kita,” ang umiiyak pa ring pahayag ng aktres.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Naging star-studded ang ang beach wedding nina Angelica at Gregg sa Siargao dahil sandamakmak nga ang dumalong celebrities.

Present sina Anne Curtis, Kim Chiu, Glaiza de Castro, Maxene Magalona, Bela Padilla, Ketchup Eusebio at marami pang iba.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Unang ikinasal sa Amerika noong December 31, 2023, New Year’s Eve, sina Angelica at Gregg.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending