Willie biglang kambiyo kay Cristy: 'I'm very sorry nasaktan kita pati pamilya mo, pasensiya na naging emosyonal ako' | Bandera

Willie biglang kambiyo kay Cristy: ‘I’m very sorry nasaktan kita pati pamilya mo, pasensiya na naging emosyonal ako’

Reggee Bonoan |February 08,2023
facebook
share this

Willie biglang kambiyo kay Cristy: ‘I’m very sorry nasaktan kita pati pamilya mo, pasensiya na naging emosyonal ako’

Reggee Bonoan - February 08, 2023 - 09:57 PM

Willie kay Cristy: 'I'm very sorry nasaktan kita pati pamilya mo, pasensiya na naging emosyonal ako'

Willie Revillame at Cristy Fermin

ABUT-ABOT ang paghingi ng sorry ni Willie Revillame kay Nanay Cristy Fermin at sa buong pamilya nito matapos maglitanya sa programa nitong “Wowowin” sa ALLTV tungkol sa pagtulong at pagtanaw ng utang na loob.

Bago mag-alas otso ng gabi ngayong araw, nagsalita uli ang TV host matapos makapagbitaw ng masasakit na salita sa programa niya kagabi laban sa mga taong natulungan niya.

Ipinaliwanag ni Willie na siya ang binubugbog ng bashers sa social media kaya magsasara ang mga programa ng ALLTV na wala naman daw siyang kinalaman kaya takang-taka siya kung bakit sa kanya isinisisi lahat.

Lumalabas na siya na ang naging mukha ng ALLTV gayung talent din lang din daw siya at higit sa lahat ay wala siyang kinalaman sa pagkuha ng mga artistang nakapirma sa AMBS.

Hanggang may nagtsika sa kanya na binibira raw siya ni Nanay Cristy sa programa nitong “Cristy Ferminute sa Radyo5 92.3 News FM.

Aniya, “Hanggang sa umabot na po kay Tita Cristy sa kanyang programa sa Cristy Ferminute, e, na-click bait ako, napain lang ako na may nagsabi sa akin na ‘oh akala ko ba nanay mo ‘yan si Cristy Fermin bakit ang sabi ang yabang-yabang mo raw.’

“So, parang naano na ako dahil ganu’n ang mga dumarating (na balita) kaya ayaw kong nagbabasa ng mga Facebook at YouTube na negative.

“Kaya lang siyempre nasaktan ako ro’n, parang nanay ko ho ‘yan si tita Cristy ipinaglalaban (ako), ilang giyera na kaming magkasama saka ‘yun nga may nasabi akong hindi maganda sa kanya rito (programa), kagabi na nasaktan ko ang pamilya niya, siya na ang pagkakamali kop o, e, hindi ko ho kasi napanood ‘yung kanyang Cristy Ferminute dahil ayoko na hong manood.

“E, ang pagkakamali ko ro’n, nagdesisyon akong magsalita na (hindi nag-verify). Ako po ang nagkamali rito.

“Nagkausap kami ni tita Cristy kanina, nagsigawan kami, nagmurahan kami parang mag-ina na nagkatampuhan hanggang humingi ako ng tawad sa kanya at sa mga anak niya na nasaktan ko.

“Kung anuman ‘yung nasabi ko, e, hindi naman ‘yun ay pagsusumbat, ‘yun naman ho ay galing sa puso kong pagbibigay no’n.

“Kaya lang siyempre dumarating na ‘yung point na nasasaktan ka, tao ka lang. Binubugbog ka na ng lahat pati ‘yung mga taong natulungan mo dati pati sila nakikisama pa, hindi mo alam bakit?” sabi ni Willie.

At dito na tuluyang tumiklop si Willie at humingi na ng sorry kay Nanay Cristy.

“Tita Cristy para mo na akong anak, para na kitang nanay humihingi ako ng tawad sa ’yo, pasensya ka na dahil alam mo naman nag-iisa lang ako. Ilang araw akong nag-iisa sa kuwarto na nag-iisip, hindi ako nagbabasa ng kahit na ano.

“Salamat at nagkausap tayo kanina at sa mga anak mo na nasaktan ko pasensya na kayo dahil naging emosyonal ako. Ako nama’y nagpapakumbaba sa mga nasasaktan. Ganu’n ho talaga, di ba? Pero wala ho akong iniisip na anuman pagsusumbat kahit kanino.

“Tita Cristy at sa mga anak mo, I’m sorry galing sa puso ko. I’m very sorry nasaktan kita alam kong ipinaglaban mo ako. Ilang giyera na ‘yung nilabanan natin magmula nu’ng nagsisimula pa lang ako sa ABS (CBN), napunta ako ng TV5, napunta ako ng GMA nandiyan ka.

“Kung ano ‘yung inilalapit mo sa akin hindi kita mahindian gayun din kung ano ang inilalapit ko sa ‘yo labing tinutulungan mo ako.

“Again kay tita Cristy, sa pamilya mo sa mga anak mo I’m really sorry na nasaktan ko kayo.

“Pero nagkausap na naman tayo tita Cristy maraming salamat at ipinagtatanggol mo pala ako. And ito ho ay lesson learned sa ating lahat.

“Kung may makikita ho kayo na video na ine-edit at sinisiraan ‘yung kapwa nating tao sana sa Kongreso at sa Senado gumawa na kayo ng batas na mapanagot ‘yung mga taong gumaganti, paninira na po ng pagkatao ng kapwa natin ‘yan,” mahabang pahayag ni Willie.

Naibahagi rin nito ang panayam niya noon kay dating Presidential Spokesperson Harry Roque (ni Presidente Rodrigo Duterte) ay nakapanayam ni Willie noong kasagsagan ng pandemya at nasa GMA 7 pa noon ang “Wowowin.”

Isa sa topic nila ay ang pagsasara ng ABS-CBN na hiningan siya ng reaksyon ni Atty. Roque at hindi nagsalita ng anumang against si Willie sa TV network na aniya ay malaki ang utang na loob niya dahil nanggaling siya rito.

“Ang ginawa ho ng iba ay in-edit out ‘yun at ang inilagay ay tawa ako nang tawa. Isipin ninyo ho ang mga ganyan, paninira sa kapwa mo,” sambit ni Willie.

Hayan tinapos na kaagad ni Willie ang gusot nila ni ‘Nay Cristy tulad nga ng nasulat namin dito sa BANDERA na ang nangyari ay isang ina na kinagalitan ang anak sa maling hakbang nito na kaagad namang nagkaliwanagan.

Jennica Garcia nasaktan nang hindi natupad ang pangarap na maging ‘asawa’: Alam kong hindi ako magiging masaya

Zeinab Harake nag-sorry sa lahat ng nasaktan: Tao lang din po ako at hindi perpekto, nawa’y mapatawad n’yo ako…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Baron humingi ng tawad sa mga beking pisikal niyang nasaktan: Sana po mapatawad n’yo na ako

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending