Jennica Garcia nasaktan nang hindi natupad ang pangarap na maging 'asawa': Alam kong hindi ako magiging masaya | Bandera

Jennica Garcia nasaktan nang hindi natupad ang pangarap na maging ‘asawa’: Alam kong hindi ako magiging masaya

Therese Arceo |February 02,2023
facebook
share this

Jennica Garcia nasaktan nang hindi natupad ang pangarap na maging ‘asawa’: Alam kong hindi ako magiging masaya

Therese Arceo - February 02, 2023 - 08:33 PM

Jennica Garcia nasaktan nang hindi natupad ang pangarap na maging 'asawa': Alam kong hindi ako magiging masaya

INAMIN ng aktres na si Jennica Garcia na labis siyang nasaktan nang hindi niya tuluyang nakamtan ang kanyang pangarap na maging isang asawa.

Hindi naman na kaila sa madlang pipol na naunsyami ang dapat sana’y pagbabalikan nila ng estranged husband nitong si Alwyn Uytingco.

Matatandaang naibalita na noon ang paghihiwalay nina Jennica at Alwyn noong 2021. Makalipas ng ilang buwan ay pinilit pa nilang isalba at mabuo ang kanilang pamilya ngunit mukhang hindi ito nag-work out.

Nang tanungin naman ang aktres ay minabuti na lang nitong huwag nang isapubliko ang dahilan kung bakit hindi na natuloy ang pagbabalikan nila.

At sa panayam ni Jennica sa “Kapamilya Chat” ay inamin niyang masakit para sa kanyang hindi natuloy ang dream niyang maging asawa.

“Andoon ‘yung ia-accept mo na may pangarap ka na hindi mo natupad. Pangarap ko kasi na maging asawa at ina eversince… Hindi naman ako titigil ng 7 years sa pag-a-artista kung hindi. So masakit sa akin ‘yun.

“Pakiramdam ko nawalan ako ng pangarap pero pakiramdam ko rin kasi nandoon rin kasi ‘yung alam ko sa sarili kong kapag tinuloy ko kung ano ‘yung relasyon na natapos, alam kong hindi ako magiging masaya at kapag hindi ako masaya, magra-radiate yan towards my children and I don’t want my children to live a sad life. So kailangan ko talagang bumangon,” mahabang saad ni Jennica.

Binigyan naman raw niya ng oras ang sarili para maramdaman ang mga emosyon na dapat niyang maramdaman matapos mabigo sa pagiging isang asawa at sinabi niya sa sarili niyang pipilitin niyang maging isang mabuting ina para sa mga anak.

“Yun ang focus ko ngayon. Kaya ‘yung paglapit ko kay Sir Deo, oo, grabe ‘yung hiya ko. Nahihiya talaga ako pero lakasan talaga siya ng loob and alam ko sa sarili ko na kaya ko itong trabahuhin,” kwento ni Jennica nang lumapit siya para humingi ng trabaho para sa kanyang mga anak.

At nagtagumpay nga ang aktres sa kanyang pagbabakasakali at isa siya sa mga artistang talagang inaabangan sa pinakabagong teleserye ng ABS-CBN na Dirty Linen”.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jennica 🦋 (@jennicagarciaph)

Nagbigay nga rin siya ng mensahe sa kanyang kapwa single parents na parehas niya ng pinagdaraanan.

Sey ni Jennica, “Message lang rin to all single parents na ano talaga… Alam ko na ‘yung worry kasama yan sa araw-araw. ‘Yung pag-aalala hindi natin maiaalis ‘yan pero gusto ko lang i-flex si God. Na hindi natin siya pwedeng ikahon sa isa siyang Diyos na tagapagligtas, na tatay nating lahat.

“Pwede mo rin siyang maging asawa. Pwedd mo rin siyang maging lover. Magugulat ka kasi… pero if you pray that prayer in the name of Jesus talaga, ibang pampakalma siya na there is greater than you.”

Related Chika:
Jennica Garcia plano nang mag-OFW para buhayin ang 2 anak, kinapalan ang mukha para magkatrabaho sa ABS-CBN

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Jennica Garcia, Alwyn Uytingco magkakabalikan na ba?

Jennica Garcia may third eye, namana sa kanyang yumaong lola

Jennica Garcia malalim ang hugot sa nabiling soup: Sa picture ang dami pong buong mushroom, pero nu’ng niluto mo wala naman po…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending