Jennica Garcia may third eye, namana sa kanyang yumaong lola | Bandera

Jennica Garcia may third eye, namana sa kanyang yumaong lola

Ervin Santiago - April 16, 2021 - 09:23 AM

BASAG na basag pa rin ang puso ni Jean Garcia pati na ng kanyang mga anak dahil sa pagpanaw ng kanyang inang si Sandra Garcia matapos tamaan ng COVID-19.

Ayon sa Kapuso actress, sobrang apektado sina Jennica at Kotaro sa biglang pagpanaw ng kanyang ina na isa nga sa libu-libong Filipino na pinatay ng killer virus.

Naikuwento pa ni Jean sa panayam niya sa GMA 7 na nakausap pa ni Kotaro ang kanyang Lola Sandy bago ito tuluyang pumanaw.

“Ikinukuwento sa akin ni Kotaro, nag-‘I love you’ raw sa kanya. Noong sinabi niya ‘I love you lola, I love you lola, uwi ka na, manonood tayo ng K-drama,'” pahayag ng aktres.

Aniya pa, “Si Kotaro nga actually medyo praning noong malaman niyang positive si lola, iyak siya nang iyak tapos sabi niya, ‘Naku mama, palagi pa naman kaming magkatabi ni lola,’ kasi nga nanonood sila ng K-drama ni lola.”

“Tapos kapag meron siyang K-pop na gustong panoorin, kunwari BTS, Stray Kids, NCT, kasama si lola, nakiki-join sa kaniya si Lola.
“Kapag gusto niyang panoorin ‘yung Blackpink kasi crush niya si Jennie, tinutukso siya ‘O bagay kayo ni Jennie.’ Ganoon si lola.

“Kaya si Kotaro, kahit nagpa-family quarantine kami, in-isolate niya sarili niya, hindi siya lumalabas ng kuwarto. Ganoon naman ka-sensitive ang aking anak,” dagdag pa ni Jean.

Samantala, ibinahagi rin ng award-winning actress kung gaano ka-close si Jennica sa kanyang lola. Dagdag pa niya pareho rin daw silang may third eye.

“Si Mommy kasi sinasabi niya na may nakikita siya, may third eye siya, nakuha raw ni Jennica ‘yon. So sila ang nag-uusap about ‘yung third eye nila, sila lang ang nagkakaintindihan kaya sobrang close nila.

“Sabi nga niya ‘Lola you’re gone too soon, hindi ka na na-experience nina Mori (anak ni Jennica). Sana nga raw sina Mori at saka si Alessi nasa tamang isip na bago nawala si lola kasi marami pa raw matututunan ‘yung mga anak niya kay mommy,” pahaya pa Jean.

Kung matatandaan, sumakabilang-buhay ang 70-anyos na nanay ni Jean kamakailan matapos makipaglaban sa COVID-19.
Aniya, walang malalang symptoms na naranasan si Gng. Sandra noong mahawa ng virus bukod sa paghina sa pagkain.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending