Team Kramer muling nagbigay-pugay sa yumaong ina ni Chesca

Team Kramer muling nagbigay-pugay sa yumaong ina ni Chesca Garcia

Ervin Santiago - April 29, 2024 - 02:57 AM

Team Kramer muling nagbigay-pugay sa yumaong ina ni Chesca Garcia

Doug Kramer at Chesca Garcia kasama ang mga anak sa burol ni Gng. Bing Velasco

MULING nagbigay ng tribute at naghandog ng mensahe ng pasasalamat ang pamilya ni Doug Kramer sa pumanaw na ina ng kanyang asawang si Chesca Garcia.

Sa burol ni Celeste “Bing” Velasco nitong nagdaang Sabado, abot-langit ang pasasalamat ng Team Kramer sa pagmamahal at pag-aalaga nito sa kanilang pamilya.

Ipinost ni Doug ang litrato nila ni Chesca sa Instagram kasama ang kanilang mga anak na sina Kendra, Scarlett at Gavin na hawak-hawak ang portraits ng kanilang yumaong lola.

Baka Bet Mo: Chesca wasak ang puso sa pagkamatay ng ina: I will miss you so much!

Sa caption, sinabi ni Doug na naniniwala silang nagawa naman lahat ng kanilang “Momsy” ang kanyang purpose sa mundo.

“A life well lived,” ang simulang pahayag ng dating PBA player.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Doug Kramer (@dougkramer)


“Tears have been shed, but peace and grace abound when Christ is in the center,” sabi pa ni Doug.

Nagpasalamat siya uli sa nanay ni Chesca sa lahat ng life lessons na natutunan niya mula rito lalo na sa mga payo at paalala nito sa pagsasama nila ng kanyang asawa.

“We will miss you so much, but we know you’re happy because you’re Home now. We love you Momsy,” sabi pa ni Doug.

Sa kanyang Instagram account, isang araw matapos mamaalam si Ginang Bing, nag-post ng mahabang mensahe si Chesca, kung saan ramdam na ramdam ng netizens ang kanyang matinding pagmamahal sa namayapang ina.

Baka Bet Mo: Doug sa solid na pagsasama nila ni Chesca: Never pang nag-away sa pera, tuloy ang date night, sabay na nagdarasal

Kalakip ang lumang litrato ng kanyang nanay, narito ang mensahe ng kanyang pamamaalam kay Mommy Bing.

“One cannot outlove or outgive a mother’s generosity, selflessness, kindness, goodness, and care. I say this because, no matter how hard I try, my mom always gave her all and her best for her children.

“I will miss my mom so much. Words cannot describe how wonderful she was. Those who truly knew her and experienced her love, kindness, and thoughtfulness would understand exactly what I am talking about.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Chesca Garcia Kramer (@chekakramer)


“I will miss you so much, Mommy. I love you dearly! I am grateful for all the precious days I spent with you. You were there for all the important events in my life, and you were also there just to hang out, relax, and talk about anything and everything under the sun.

“I will miss those moments, Mommy! You even took the time to listen to my rants and offer me advice. You were never selfish with your time, always accompanying me to the bathroom so our conversations wouldn’t be interrupted.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“I will miss holding your hand or walking arm in arm with you. I will miss your lovely scent; you always smelled so good. I will miss your smiling face! I love you, Mommy. How could I ever forget such a wonderful mom?” pahayag ni Chesca.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending