Coco walang paki sa talent fee pag gumawa ng indie movie | Bandera

Coco walang paki sa talent fee pag gumawa ng indie movie

Ervin Santiago - December 13, 2014 - 09:02 PM

coco martin
Sa kabila ng 30 major acting awards na naiuwi ni ng Teleserye King na si Coco Martin, nae-excite pa rin siya kapag nakakatanggap ng bagong parangal.

“Siyempre po, kumbaga ‘yun ang bunga talaga ng pinaghirapan mo. Siyempre every time na may bagong proyekto ka, kaya mo ginawa yun,” anang aktor sa presscon ng “Feng Shui 2” ang official entry ng Star Cinema sa MMFF 2014 showing on Dec. 25.

“Sabi ko nga, ‘yung business side, sa umpisa lang iyon, e, habang ginagawa mo yung proyekto.“Pero during the process, siyempre naglu-look forward ka na sana ‘etong pelikulang ito, sana may katuturan.

Like, ‘yung gumagawa ako ng indie, hindi ko inaalam kung magkano ang ibabayad sa akin. “Ang inaalam ko, kung ano ‘yung mapupuntahan nitong proyekto ito, either manalo ako ng award o manalo ng award ‘yung pelikula.

‘Yun ang malaking fulfillment para sa akin,” paliwanag ni Coco. Tinanong siya kung may pressure bang manalo siya bilang Best Actor sa MMFF Awards Night para sa “Feng Shui 2”? “Hindi, hindi naman.

Honestly, ayokong isipin ‘yun. Sabi ko nga, every time na nananalo ako, bonus na lang po ito.” Isang blockbuster hit ang unang “Feng Shui” ni Kris Aquino kaya malaki ang expectation sa part two nito na sinasabing iikot naman ang kuwento sa kanya, nape-pressure na ba siya ngayong pa lang, “Siyempre po, hindi maiaalis sa amin iyon.

“Sabi ko nga po talaga kaya ko ni-request na…actually, sinabi ko talaga kay Ate Kris, hindi ako nakapagpigil. “Sabi ko nga, hindi ko makakalimutan noong mapanood ko ‘yung Feng Shui 1 kung gaano siya kaganda.

Kaya sabi ko nga kay Ate Kris noong nagkita kami, ‘Ate Kris, gawin naman natin yung Feng Shui 2.’ “And then, kinausap niya si Direk Chito Roño, kaya natupad itong pangarap ko na makagawa ng horror na pelikula, Feng Shui pa,” sey pa ni Coco.

Magmumulta naman ang Star Cinema sa organizers ng MMFF 2014 dahil hindi sila umabot sa deadline ng submission ng entry kamakailan.

Kailangan pa raw kasing mag-shoot ng ilang eksena si Kris Aquino kaya hindi na sila umabot sa itinakdang araw ng pagsa-submit ng kabuuan ng pelikula.

Kasosyo rin ng Star Cinema ang Kris Aquino Productions sa “Feng Shui 2” sa direksiyon ni Chito Roño. “Bumakas sila sa share ko. So, lahat kami naglabas kami ng hard-earned money namin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kaming tatlo actually, nagbakas sa K Productions,” ani Kris sabay sabing talagang ipinagdarasal niya na kumita sila dahil nakakahiya raw sa co-actor niyang si Coco at director nila.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending