MELAI, JASON halos isumpa ang isa’t isa dahil sa galit | Bandera

MELAI, JASON halos isumpa ang isa’t isa dahil sa galit

- April 10, 2012 - 03:02 PM

Matindi ang away ng ex-lovers na sina Melai Cantiveros at Jason Francisco dahil hindi na sila puwedeng magsama man lang sa isang programa, hindi na rin sila pwedeng sabay mag-guest sa mga shows ng Dos.

At dahil dito ay nagpasiya na rin ang Star Magic na hindi sila pagsamahin o pagsabayin sa kahit anong proyekto na sinang-ayunan din ng dating magkarelasyon.

Bukod dito ay pinagsabihan din silang walang magsasalita tungkol sa paghihiwalay nila pero noong Linggo sa The Buzz ay hindi na napigilan ni Melai ang magsalita, inamin nitong talagang break na sila ni Jason na minahal niya ng dalawang taon.

Maging ang gag show na Banana Split ay iniwan na rin ni Jason dahil hindi na niya kayang makasama o makita man lang si Melai, kaya naman hinayang na hinayang ang staff ng programa.

Sabagay, hindi naman kawalan si Jason sa show at aminin man niya o hindi ay si Melai ang nagdadala sa loveteam nila.

At sa pag-alis niya sa Banana Split, sino ba ang nawalan? Definitely hindi si Melai dahil gusto pa rin siya ng mga tao kahit solo na lang siya.

So, nasaan na nga ba si Jason ngayon?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending