Dyowang Direktor ni Toni natakot sa Media, hindi sumipot sa MMFF Presscon
Sa last column namin we mentioned about Direk Paul Soriano’s request na walang question sa kanya regarding his personal life sa launching ng Metro Manila Film Festival New Wave Section for independent, student filmmakers and animators.
Si Direk Paul ang head ng New Wave Section for student filmmakers. Hindi namin nakausap si Direk Paul sa launching kaya ‘di namin,na-try kung naging elusive nga siya sa mga tanong regarding his relationship sa girlfriend niyang si Toni Gonzaga.
And we wrote pa next time kapag may chance na makita ullit naming si Direk Paul, we’ll ask him regarding his request.
Marami kasi ang nag-insinuate agad na baka may something not so good sa kanila ni Toni ngayon.
Then, we received an invitration para sa presscon ng MMFF New Wave Section last Saturday. Again, bago mag-presscon ay may advise na huwag tanungin si Direk Paul about his personal life and his film “Kid Kulafu” not being chosen as one of the MMFF mainstream finalists.
So, ganoon na nga. Sa ‘di malamang dahilan, hindi naman dumating si Direk Paul sa presscon. Bulungan tuloy ng members of the press na nandoon, umiwas na na lang siya na humarap sa media.
In a way, tama naman ‘yon. Kahit may ganoong pasabi na, for sure, tatanungin pa rin si Direk Paul sa kanyang lovelife.
Pero sa totoo lang, nahihiwagaan tuloy ang marami sa pag-iwas-iwas ngayon ni Direk Paul na matanong sa relasyon nila ni Toni.
True nga kaya na may itinatago siya sa relasyon nila? Anyway, finalists sa New Wave Section ang mga indie film na “Gemini” ni Ato Bautista (about a woman who is being tormented by demons because of sins she and her twin committed years ago), Zig Dulay para sa “M. (Mother’s maiden Name)” (a familiar-but-unsual story about the getting-to-know relationship of a mother and son), at ang “Magkakabaung” ni Jason Paul Laxamana (inspired by the Philippines casket capital).
Kasali rin ang “Maratabat” ni Arlyn dela Cruz (depicts warring clans and the quest for justice) at ang “Mulat” ni Diane Ventura (a bout a girl who dreams of finding her true love as she struggles to live a normal life despite her schizophrenic tendencies).
Mapapanood ang limang entries sa sa New Wave Section sa Glorietta 4 and SM Megamall cinemas simula Dec. 17 hanggang 24.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.