Isabelle Daza nag-iiyak nang magpaalam sa mga bossing ng EAT BULAGA | Bandera

Isabelle Daza nag-iiyak nang magpaalam sa mga bossing ng EAT BULAGA

Ervin Santiago - November 24, 2014 - 03:00 AM

isabel daza
PORMAL nang nagpaalam si Isabelle Daza sa noontime show ng GMA 7 na Eat Bulaga matapos maging bahagi ng Dabarkads sa loob ng mahigit tatlong taon

Ibinandera ng TV host-actress-model ang pag-alis niya sa Eat Bulaga sa pamamagitan ng  kanyang Instagram account nu’ng Sabado. Ilang larawan ang ipinost ni Belle sa IG kung saan kasama niya ang iba pang hosts ng Eat Bulaga at ilang production staff ng show.

“Just wanted to say thank you for an amazing 3 and a half years. It’s been such a wonderful journey growing with Eat Bulaga and I will treasure this my whole life.

You guys have welcomed me and made me feel part of your family.  “Thank you for the constructive criticism and putting up with my singing and dancing and always pushing me to do my best.

This show has taught me so much. I’m so lucky to have gotten the chance to get to know you all. It brings me great sadness to say good bye, but you will always have a place in my heart,” mensahe ni Isabelle sa kanyang followers.

Nabalitaan namin na iyak daw nang iyak si Belle nang ipaalam na niya sa mga bossing ng noontime show, partikular na kina Sen. Tito Sotto, Bossing Vic at Joey de Leon na aalis na siya sa EB.

Napakasakit daw para sa kanya ang iwan ang kanyang dabarkads matapos ang halos tatlo’t kalahating taon. Aniya, parang pamilya na ang turing niya sa mga kasamahan niya sa programa.

Nabasa naman namin sa Twitter at Instagram ang mga komento ng kanyang fans at supporters ng EB, nakiusap ang mga ito ka Belle na huwag nang umalis sa Eat Bulaga dahil  parang hindi na kumpleto ang show kung wala siya.

In fairness naman kasi kay Belle, naging masang-masa ang image niya nang dahil sa noontime show ng Siyete. Kahit ang staff ng show ay sobrang nalungkot sa pag-alis ni Belle, nag-iyakan din daw ang ilan sa mga ito.

Yung iba naman ay gumawa pa ng banner na may nakasulat na, “We will miss you Isabelle Daza.” Ngayong araw ia-aanounce ng kampo ni Isabelle kung tuloy na ang paglipat niya sa ABS-CBN at kung anu-ano ang mga susunod na proyektong gagawin niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending