Horoscope, November 20, 2014 | Bandera

Horoscope, November 20, 2014

Madam Sophia |November 20,2014
facebook
share this

Horoscope, November 20, 2014

Madam Sophia - November 20, 2014 - 01:31 PM

Para sa may kaarawan ngayon: Sa pinansiyal, lalo mo pang pagbutihin ang inaaturga upang umangat ng todo ang kabuhayan. Sa pag-ibig, wag kang kabahan, mas malakas ang iyong karisma kaysa sa iyong karibal. Mapalad ang 1, 4, 28, 25, 34, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Namo-Dosya- Om.” Green at red ang buenas.      

Aries – (Marso 21-April 19)—Upang wag mapahamak, iwasang mandaya ng kliyente. Sa pag-ibig, sa pamamagitan ng mahusay na boladas, mapapa-Oo mona ang kasuyong lagi na lang tumatanggi sa iyong mga binabalak. Mapalad ang 5, 14, 20, 42, 47 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna-Krisna-Hare.” Violet at green ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)—Sa bagong produktong may kaugnayan sa kumunikasyon at pagkain kikita ng malaking halaga.  Sa pag-ibig, nanlalamig ang kasuyo, mamayang gabi painitin siya sa romansa. Mapalad ang 1, 8, 17, 24, 34, 35. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Doysa-Om.” Red at purple ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21)—Tatlong bagay ang nagpapayaman: Ang pagdating ng kasuyong mapera; Ang pag-aabroad at ang pagnenegosyo. Alin man sa tatlo ang gawin mo, sa edad mong 41 pataas, mayamang-mayaman ka na! Mapalad ang 7, 14, 23, 32, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Manu-Ketu-Manu-Om”. Silver at red ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)—Huwag  umasa sa iba, nasa mga kamay mo ang paraan upang umunlad at yumaman. Sa pag-ibig, kahit na may kasalanan ang kasuyo mas mainam pa rin na patawarin mo siya. Mapalad ang 2, 7, 16, 25, 34, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Padme-Om”. Green at yellow ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)—Huwag pansinin ang mga naninira sayo. Masisira lang ang araw mo pagpinatulan mo ang mga intriga. Sa pag-ibig, isang kaibigan ang nagtatangkang umagaw ng iyong minamahal. Wag kang papayag, ipaglaban ang kasuyong Sagittarius. Mapalad ang 6, 18, 28, 33, 45 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Nosi-Balasi.” Yellow at beige ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)—Pagpasensiyahan ang negatibong ugali ng kasuyo upang hindi ka mawalan ng partner ngayong papalapit pa naman ang pasko. Sa pinansiyal, isang kaibigang hindi matanggihan ang mangungutang, wala kang magagawa kahit hindi siya magbayad, talagang ganon ang buhay! Mapalad ang 4, 13, 22, 31, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Surya-Om-Pad-Meh-Om.” Blue at white ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)—Walang mabuting idudulot sayo ang mga bagay na walang kabuluhan, tulad ng araw-raw na pagpe-Facebook.  Kailangan magsimula ng munting negosyo na may kaugnayan sa pasko  – magluto ng masasarap at kakaibang pagkaing pang-regalo. Mapalad ang 6, 18, 27, 33, 36, at 42. Mahiwaga mong mantra: “Dosya-Me-Padme-Om.” Blue at red ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)—Pakikipag-sosyalan ang kailangan upang wag ma-boring ang buhay. Bitbitin ang kayuso sa isang social gathering. Sa isang pagtitipon, pareho kayong kikita ng malaking halaga. Mapalad ang 2, 17, 28, 33, 43 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Arkaye-Aum-Arkaye-Om.” Lilac at green ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—May paglalakbay na mararanasan. Ang paglayo sa sariling bayan ang susi upang yumaman. Sa pag-ibig, hayaang mangulila ang kasuyo upang sa iyong pagbabalik, mainit na  romansa ang kapalit. Mapalad ang 3, 18, 25, 36, 42 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agni-Agni-Om.” Violet at navy blue ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)— Sa pagiging happy lagi ang masamang pakiramdam ay mapaparam. Lalo pang magtipid upang pagsapit ng pasko, marami kang pera. Sa pag-ibig, ang masarap na romansa ang pinaka-mabisang pampalakas ng immune system. Mapalada ng 4, 8, 18, 27, 31, at 40. Mahiwaga mong mantra: “Raga-Kastha-Raga-Vaana.” Black at orange ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)—Kahit luhaan sa pag-ibig, sa pang-materyal naman tuloy  ang dating ng magandang kapalaran. Upang makatagpo ng pang matagalang relasyon isa alang-alang silang  isinilang sa buwan ng Oktubre  na may birth date na 7, 16, o kaya’y 25. Mapalad ang 3, 12, 21, 28, 39, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-We”. Violet at pink ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20)—  Igalang ang naging desisyon ng kausyo. Sa pinansiyal at pag-ibig, hindi ikaw ang dapat nasusunod kundi ang iyong kasuyo upang mas madali kayong umunlad, yumaman at lumigaya. Mapalad ang 8, 14, 23, 26, 35 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Jenu-Manu-Jata.” Red at beige ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending