Kathryn, Alden babawiin ang korona at titulo kina Marian at Dingdong
NGAYON pa lang ay abangers na ang milyun-milyong fans nina Kathryn Bernardo at Alden Richards sa pagpapalabas ng “Hello, Love, Again” sa sinehan.
Mukhang kakaririn ng KathDen supporters mula sa iba’t ibang panig ng mundo para mabawi ang korona at titulo na naagaw ng Kapuso Primetime King & Queen na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera.
Baka Bet Mo: Xian Lim umaming extra challenge maidirek si Kim Chiu, walang isyu kung makipaghalikan sa pelikula na iba ang partner
Itinanghal na Highest-Grossing Filipino Film of all Time ang “HLG” noong 2019 matapos itong kumita ng mahigit P880.6 million sa takilya.
View this post on Instagram
Pero natalbugan nga ito ng Metro Manila Film Festival 2023 entry na “Rewind” na pinagbidahan nina Dingdong at Marian. As of April, 2024, umabot na sa P1.2 billion ang worldwide gross nito.
Kaya naman, inaasahan ang pagsasanib-pwersa ng KathDen fans mula sa iba’t ibang panig ng mundo upang muling gumawa ng kasaysayan at mangwasak ng record ang “Hello, Love, Again.”
Nakatakdang ipalabas sa mga sinehan sa Pilipinas ang reunion project nina Kath at Alden sa November 13 mula pa rin sa direksyon ni Cathy Garcia-Sampana. Ito rin ang kauna-unahang collaboration project ng Star Cinema at GMA Pictures.
Baka Bet Mo: Pelikula ni kilalang aktor na-delay ang pagpapalabas, wasak daw kasi ang puso dahil sa babae
Inamin nina Kathryn at Alden na dream come true para sa kanila ang part 2 ng “HLG” hindi lang para sa kanila kundi sa lahat ng nagmahal kina Ethan at Joy, ang kanilang mga karakter sa pelikula.
Set five years after the events of the original blockbuster hit, “Hello, Love, Again” ipagpapatuloy nga ang naputol na love story nina Joy at Ethan na muling magkukrus ang landas sa Canada.
View this post on Instagram
“We were all hoping na actually, pwede naman talaga sundan because as we all know, open-ended ‘yung ‘Hello, Love, Goodbye,'” pahayag ni Kath.
“If I put myself aside, not being part of the cast, parang ang dami kong questions.
“Ang dami kong gusto pang malaman – kamusta si Joy? Is Ethan okay? Nag-survive ba ‘yung LDR (long-distance relationship) nila? Kamusta ‘yung buhay niya sa Canada? Nagawa niya ba ‘yung dreams niya?”
“‘Hello, Love, Again’ will provide all the answers to my questions, and to all our questions, hopefully. But this time, in a different setting, which is in Canada,” pahayag ng Box-Office Queen.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.