Kim, Paulo ginalingan sa 'cabinet kissing scene', totohanan na?

Kim, Paulo ginalingan sa ‘cabinet kissing scene’, totohanan ang eksena?

Ervin Santiago - May 21, 2024 - 01:00 AM

Kim, Paulo ginalingan sa 'cabinet kissing scene', totohanan ang eksena?

Paulo Avelino at Kim Chiu

HANGGANG ngayon ay usap-usapan pa rin ang viral “cabinet kissing scene” nina Kim Chiu at Paulo Avelino sa “What’s Wrong With Secretary Kim?”.

Talaga naman kasing naloka ang mga manonood sa halikan ng KimPau sa isang episode ng Pinoy version ng naturang hit K-drama series ng ABS-CBN.

Feeling nga nila, totoong may namamagitan nang “something special” kina Paulo at Kim dahil give na give ang dalawa sa kanilang controversial na kissing scene.

Sa ginanap na official poster reveal para sa TV airing ng “What’s Wrong With Secretary Kim,” inamin ng dalawa na nakadalawang takes lang sila para sa naturang eksena kung saan naghalikan nga ang kanilang mga karakter habang nakaupo sa loob ng isang cabinet.

Baka Bet Mo: Neri mas gustong konti ang gamit sa bahay: Para nakakahinga ang brain!

“Isa or dalawa siguro para doon sa backshot. Ayaw naming mapahiya kaya ginandahan na rin namin ni Direk Chad (Vidanes) para sa viewers,” sabi ni Paulo.

Inamin din ni Kim na itinodo na niya ang paghalik sa karakter ni Paulo dahil ayaw niyang mabigo ang fans. Sinabi rin niyang pinag-isipan talaga nila kung paano gagawin ang eksena na ikaka-proud ng mga Pilipino.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Siyempre, hindi pa nagsisimula ‘yung ‘Secretary Kim’ ‘yan na ‘yung iniisip na palabas ng fans talaga ng show. Na ‘naku, eto ha, aabangan talaga namin ito kasi very iconic ‘to!’

Baka Bet Mo: Kim, Paulo kontra sa office romance: Hindi talaga maiiwasan, pero…

“Na-pressure kami kaya naisip namin na sana hindi natin ma-fail. Sana may maibubuga rin ‘yung Philippine version,” kuwento ni Kim.

Nagpasalamat din ang KimPau sa patuloy na pagtangkilik ng mga manonood sa serye na laging nagte-trending online dahil sa mga nakakakilig na eksena nina Secretary Kim (Kim) at BMC (Paulo).

“Overwhelming ‘yung mga nangyayari na ang daming natutuwa at nasisiyahan. I’m very thankful and grateful na mag-two months na rin itong napapanood ng mga tao and hindi nila kami binibitawan. Patuloy silang nakasubaybay sa palabas namin,” chika ni Kim.

Mas lalo namang mabubusog ang KimPau fans sa tambalan nila dahil araw-araw nang mapapanood sina Kim at Paulo sa TV.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Manggigil kina Victor (Paulo) at Juliana (Kim) gabi-gabi sa “Linlang: The Teleserye Version,” at kiligin naman kina Secretary Kim at BMC kada Sabado at Linggo sa “What’s Wrong With Secretary Kim” simula May 25.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending