Kylie Padilla, Mikael Daez lumebel kina Jennifer Garner at Julianne Moore
ANG mga GMA Artist Center stars na sina Mikael Daez at Kylie Padilla ang kauna-unahang Filipino representatives ng organisasyong Save the Children.
Kahanay na nila ang ilan sa mga international ambassadors na sina Hollywood A-listers Jennifer Garner at Julianne Moore, football star Cristiano Ronaldo at kilalang stylist-editor-fashion designer Rachel Zoe sa pag-promote ng advocacy sa pagbibigay tulong at pag-improve sa kalidad ng pamumuhay ng bawat kabataan.
Masaya si Mikael sa pagkakapili sa kanya bilang isa sa mga Pinoy ambassadors. Aniya, isang karangalan ang maging bahagi ng nasabing organisasyon. “I’ve always wanted to help children.
All children should be able to dream about what they want to be when they grow up. “Save the Children’s work means that more children can have those dreams.
I am excited about the opportunity to work alongside this amazing charity and am privileged to be able to use my work for this excellent cause,” aniya pa.
Samantala, handa na rin si Kylie na gampanan ang kanyang panibagong role bilang ambassador ng children’s organization.
“It is a privilege to be a representative of Save the Children and be given the opportunity to help children in need, especially typhoon Yolanda survivors.
I want to do whatever I can to help provide them everything they need so they can recover from their experiences and reach their full potential.”
Sa mga susunod na araw, bibisitahin nina Mikael at Kylie ang mga Yolanda-affected communities sa Tacloban para personal na makita at makasalimuha ang ilan sa mga survivors ng naturang bagyo.
Halos 800,000 katao na ang natulungan ng Save the Children sa ilang ‘Yolanda’-hit areas sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga emergency life-saving aid at long-term livelihood support.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.