Matt umaming nagkasagupa sila ni Aaron sa taping ng Pure Love | Bandera

Matt umaming nagkasagupa sila ni Aaron sa taping ng Pure Love

Ervin Santiago - November 08, 2014 - 03:00 AM

matt evans
INAMIN ng Kapamilya actor na si Matt Evans na nasangkot nga sila ni Aaron Villaflor sa isang gulo habang nagte-taping para sa isang episode ng seryeng Pure Love na malapit na ngang magpaalam sa ere.

Ayon kay Matt totoong nagkaroon ng tensiyon sa pagitan nila ni Aaron, pero ayaw na niya itong idetalye pa dahil maayos na naman ang relasyon nilang magkaibigan.

Sa pagkakatanda namin, ito yung chikang sinuntok diumano ni Matt ang co-actor niya sa Pure Love matapos magkainitan.
“Oo, normal naman yun, nangyayari naman yun sa sitwasyon.

Wala, sobrang good na kami ni Arron, kasi alam mo naman yung parang kapatid ko na yun. Kinabukasan nu’ng taping, parang walang nangyari,” chika ni Matt sa farewell presscon ng Pure Love kamakailan.

Matagal na raw silang magkaibigan ni Aaron, halos sabay kasi silang nagsimula sa showbiz, siya sa Pinoy Big Brother habang sa Star Circle Quest naman si Aaron.

Ayon pa sa aktor, sa taping din ng Pure Love sila nagkaayos, “Sa tent pa lang, nu’ng magkita kami, dun agad, nag-sorry-han na kami, nagyakapan na kami.

Hindi na pumasok yung pride kasi alam naman namin na wala naman talagang dapat pagsimulan.” Siya ang unang lumapit kay Arron para mag-sorry, “Oo naman, ako na mismo nagbaba ng pride ko.

Hindi naman kabawasan sa pagkakalaki ang paghingi ng sorry.”  Nang tanungin kung ano ba talaga ang naging ugat nito, “Wala naman kasimg may gusto nang nangyari.

Kumbaga, halo-halo na, init ng tensiyon ng taping, kasi nagmamadali kami, for airing na yung eksena. Tapos yung tirik pa ng araw, hindi pa kami nagla-lunch, gutom na!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending