Mar Roxas inokray dahil sa ‘Hello from Tacloban’
Sec. Mar Roxas sa cover Esquire Magazine, November issue. Screen grab from Esquire’s Facebook page.
KALIWA’T kanang pang-ookray ang inabot ni Interior Secretary Mar Roxas dahil sa cover photo niya sa isang magasin na inilabas para sa isang taon anibersaryo ng pagsalanta ng bagyong Yolanda.
Sa lathalain ng “Esquire Philippines” na itinatanghal si Roxas na may titulong “Hello From Tacloban”, maraming netizens ang hindi natuwa rito.
Sa official Facebook account ng Esquire, ipinakita nito ang cover photo ng kanilang November issue — na si Roxas na nakangiti habang nakataas ang kanang kamay na parang kumakaway habang nakaupo sa mga patung-patong na kahoy na nasa likod ng cargo truck.
Ang caption: “Hello from Tacloban… One year later.”
Ang larawan ay kuha noong Nobyembre 21, 2013, sa Tacloban City Port, o 13 araw ang nakalipas mula nang salantain ng bagyo ang Kabisayaan.
“There are reasons why stories are revisited: sometimes, it’s because there are new lessons to be learned. Sometimes, it’s because not enough people are listening. This month, a year after Yolanda, ESQUIRE Philippines returns to the ongoing tragedy that is the storm’s aftermath,” a status na nakalagay kasama ang photo.
Pero hindi natuwa ang mga netizen sa nasabing photo.
Ilan sa kanila ay sinabing “insensitive”, “bad taste,” at “insult” ang nasabing larawan sa mga biktima ng bagyo.
Sigaw ng ilang netizens: “Esquire this is really done in bad taste. Give respect to the people of Tacloban,” ayon kay Joseph Ongkeko Delos Reyes.
“Bad move. How about putting the pictures of those who survived the disaster?” pahayag naman ni Dee Ferraris Necèsito.
Hirit naman ng isa pang netizen ang photo cover ay election campaign material.
Si Roxas ang inaasahang babasbasan ni Pangulong Aquino sa 2016 presidential elections.
“What’s this Esquire? (An) election edition of your (magazine)?” pahayag naman ni Nico Anthony Brosas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.