Charice tsnugi ang Manager, may sangkot na milyun-milyong piso | Bandera

Charice tsnugi ang Manager, may sangkot na milyun-milyong piso

Ervin Santiago - November 05, 2014 - 03:00 AM

charice pempengco
Tsinugi na ni Charice ang kanyang manager na si Glenn Aldueza dahil sa isyu ng pera.

Sa kanyang Instagram account idinaan ng international singer ang paga-announce tungkol sa paghihiwalay nila ng landas ni Glenn. Aniya sa kanyang post, “Hello everyone, Just letting you know that Mr. Glenn Aldueza is no longer my Manager.

My apologies to all the people who have been trying to contact the management and getting no answers.”We are going to announce my New Management/Team/Website/Projects as soon as possible and I am very excited about it.

You can send your email to charice. [email protected] for bookings, etc. Have a nice day!”  Kumalat sa social media ang ilang mga rason kung bakit biglang tinanggal ni Charice ang manager na galing daw mismo sa ninong ng singer na si Robert. Diumano, may mga “anomalyang” ginawa ang talent manager sa pamilya Pempengco.

Isa na nga rito ang nawawalang pera ni Charice na pambayad sa isang lote kung saan inilibing ang kanyang tatay. Hindi naman diretsong inakusahan nina Charice ang dating manager tungkol sa nawawalang pera, sa ngayon inaalam pa raw nila kung saan napunta ang sinasabing milyones na nawawala.

Bukod dito, may balita ring binastos ng manager ang nanay ni Charice na si Raquel.Ito na ang ikalawang pagkakataon na kumalas si Charice sa kanyang manager, una siyang  umalis sa pangangalaga ni Grace Mendoza bilang business manager.

Bukas ang pahinang ito para naman sa panig ni Glenn Aldueza na nananatiling tahimik lang sa isyu.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending