Derek sa kasong pakikiapid kay Angelica: ‘Patay kang bata ka!’
Kung hindi nagmalaki o nakipaglaban pa si Derek Ramsay sa estranged wife niyang si Mary Christine Jolly malamang na hindi na lumaki ang gulo sa pagitan nila.
Nakipagpataasan pa kasi ng ihi itong si Derek sa girl who has so much to tell about his person. Ngayon ay lalo lang naipit si Derek sa mga akusasyon ng asawa.
“Kahit ano pang sabihin ni Derek sa mga depensa niya, mahihirapan siyang malusutan ang mga kasong isinampa ng asawa niya laban sa kaniya. Kasal sila eh, kaya wala talaga siyang lusot.
Lalo na rito sa kasong concubinage sa kanila ni Angelica Panganiban, kung sa Amerika lang ito, tiyak na mabilis na maaksiyunan ito.
“May kulong talaga ito. Patas kasi sila sa batas doon unlike here sa Philippines na nakukuha pa minsan sa suhulan, sa palakasan. Baka maloka lang si Derek pang nadesisyunang talo siya one day, he will really be jailed.
“Kasi nga, nakiapid naman talaga siya kay Angelica nu’ng magsyota pa sila, di ba? At balita namin ay may sapat na ebidensiya si Mary Christine against him. Patay siya rito,” anang isang lawyer/friend na kausap namin.
Oo nga. Nu’ng nabasa namin ang mahabang salaysay ni Mary Christine against Derek, hindi kami nakaramdam na hina-harass niya ang lalaki. Na kinukuwartahan niya lang ito.
Na bina-blackmail niya si Derek. Mararamdaman mo ang sakit na pinagdaanan niya bilang asawa, bilang ina ng anak nila – bilang babae at bilang tao.
Nagtataka lang ako sa drumbeaters ni Derek na parang pinalalabas pa nilang ang babae ang may kasalanan. Just because Derek is a big star ay siya na ang tama.
Kayo kaya ang lumagay sa katayuan ng babae, na ang ang asawa mo ay nakikipag-date left and right habang kasal kayo?
Let’s be fair to the girl too.
Hindi naman artista iyan para idolohin ninyo – she doesn’t have equal mileage than Derek pero dito sa mga kaso niya laban kay Derek, may tulog dito si lalaki. Believe me.
Kaya habang may chance pa, ayusin na niya ito. Huwag nang makipaglaban sa korte. It’s not doing him any good. Naniniwala ba kayong mahal talaga ni Derek ang anak niya? Sige nga – sagutin niyo ako.
Huwag ninyong kalimutang magaling na aktor si Derek para paniwalain kayo. Hay buhay!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.