Kalat na, Cristine nakitang pumasok sa ultrasound clinic
Nag-deny na si Ara Mina na buntis ang kanyang younger sister na si Cristine Reyes.
But the pregnant issue seems to hound Cristine forever. Ayaw pa ring matigil ang chikang she’s now buntis.
And now, merong isang follower ang isang popular website who dropped hints na preggy nga ang sister ni Ara.
“Sinong actress na C ang nakita pumasok sa ultrasound clinic kanina?” tanong ng follower ng website.
Immediately, si Cristine ang unang naisip ng mga followers. Meron din namang nag-isip na si Carla Abellana ito pero kaagad siyang kinorek ng mga nag-comment.
O, hayan, may second round ng pregnant issue sa ‘yo, Cristine. Baka naman puwede ka nang magsalita. Baka naman idaan mo na naman sa pagwo-walkout ang pagsagot sa issue.
Can Cristine be true to herself? Ang dali-dali naman kasing sabihing hindi po totoo kung true naman talagang hindi siya preggy, ‘di ba?
As we always say, ang mga issue ay almost always answerable by a yes or no, no in between! Ganu’n lang naman kasimple ‘yun, girl!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.