Robin mukhang sariwa pa rin: Dahil yan sa pinapakain ni Mariel sa 'kin! | Bandera

Robin mukhang sariwa pa rin: Dahil yan sa pinapakain ni Mariel sa ‘kin!

Julie Bonifacio - September 01, 2014 - 03:00 AM


PROUD si Robin Padilla sa upcoming movie niya at isa sa official entries sa 2014 Metro Manila Film Festival na “Bonifacio.” Pati sa kanyang director na US-educated on film direction na si Enzo Williams ay pinagmamalaki rin ni Robin.

Bukod sa degree ni Enzo, pareho rin daw nila ng misis niyang si Mariel Rodriguez na katipunero ang direktor. In fact, una niyang na-meet si Enzo nu’ng nanumpa sila ni Mariel bilang mga katipunero.

Kaya ganoon na lang ang paghanga at respeto ni Robin kay Enzo. Maybe this time ay nakapili na sila ng leading lady ni Robin for “Bonifacio.” Isa nga sa pinagpilian ay ang ex ni Robin na si Vina Morales who incidentally ay gumanap din bilang “Oryang” sa isang telesine noon. Si Oryang ay si Gregoria de Jesus na napangasawa ni Andres Bonifacio.

“Pero ngayon ata, tsini-tsek pa nila ‘yung schedule (ni Vina). Syempre naman, okey sa akin kung matutuloy siya. Pero si Mariel kasi ang tagapili ko ng leading lady.

Kasi syempre siya ‘yung bata, alam niya kung sino ‘yung, marami siyang binigay, e. Okey naman siya kay Vina. Pero meron siyang sinasabi. Nakalimutan ko ‘yung sinabi ni Mariel, e,” lahad ng bagong host ng Talentadong Pinoy ng TV5.

Kung maka-bata naman ng tawag si Robin kay Mariel, as if mukha na talaga siyang DOM. But in fairness kay Robin, bata at fresh pa rin ang hitsura niya sa edad na 45, huh!

Habang kausap namin siya, walang bahid ng make-up ang mukha niya.  Wala raw sikreto kung bakit mukhang bata pa rin siya hanggang ngayon. Wala rin daw siyang pinapahid sa mukha niya.

“Kahit tanungin ninyo si Mariel, wala.  Siguro dahil sa mga pinapakain ni Mariel sa akin. ‘Yun, palagay ko ‘yun,” ngiti niya. Bago mag-isip ang iba diyan, ang sabi ni Robin gulay at juice raw ang pinapakain sa kanya ni Mariel. “At saka siguro ang Muslim kasi hugas nang hugas ng mukha.

Malaking bagay siguro ‘yun,” dagdag niya.Hindi lang daw mukha ang madalas hugasan ng mga Muslim, “Oo, pati pag-ihi,” seryosong sabi ni Robin.  “Si Mariel nga unang nagulat kasi umiihi ang Muslim nakaupo, ganoon talaga ang pag-ihi ng Muslim, naka-squat.”

Samantala, agree raw si Robin sa  plano ni Mariel na magka-baby sila sa 2015, “Final na ‘yun, kasi ang usapan naming dalawa nu’ng kami’y ano, napakarami kong gustong gawin sa buhay ko.

Gusto ko gawin lahat ‘yun. Tapos sabi niya, ano ‘yun? Gusto kong libutin ang buong mundo, kako,” kwento niya. Okey lang daw kahit hindi na siya makapunta sa US dahil nakarating na siya doon.

Ilang beses na kasing na-deny si Robin na makapasok ulit sa US. “Gusto ko ‘yung mga lugar na may adventure, puntahan natin. E, pero kung may anak tayong dala, hindi natin magagawa ‘yun, sabi ko kay Mariel.

E, ang dami, lahat ‘yan, lahat ‘yun. Katulad nu’ng pinuntuhan namin noon na talagang weirdung-weirdo si Mariel. ‘Yun kasi ang mga trip ko, e. ‘Yung mga hindi maipaliwanag,” kwento ni Robin.

Ang tinutukoy ni Robin ‘yung nabalitaan niya sa internet na nangyari sa Sweden kung saan kinain daw ng lupa ‘yung mga tao during the gay parade.

Pero malaking kalokohan lang daw pala ‘yun dahil isang minahan daw ‘yung lugar. Next destination na gusto naman niyang puntahan bago matunaw ay ang North Pole next year.

Pagkatapos noon pwede na raw sila magkaanak ni Mariel sa 2015.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( Photo credit to robin padilla official fanpage )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending