Wally, Jose inilampaso na si Anne | Bandera

Wally, Jose inilampaso na si Anne

|February 26,2012
facebook
share this

Wally, Jose inilampaso na si Anne

- February 26, 2012 - 05:04 PM

Hanggang ngayon ay napag-uusapan pa rin ang nakaraang concert ni Anne Curtis sa Smart Araneta Coliseum dahil nga hindi naman siya singer ay nagawa niyang punuin ang Big Dome.

At dahil dito ay siya raw ang may hawak ng pinakamalaking nabentang tickets sa Smart Araneta para sa nakaraang “Annebisyosa” concert niya na umabot sa P9 million.

Pero mahigit isang buwan pa lang hawak ni Anne ang korona ay kaagad na itong nawala sa kanya dahil tinalo na siya nina Jose Manalo at Wally Bayola na magbibida naman sa concert nila sa March 2.

Kuwento mismo ng source namin sa Smart Araneta ay umabot na sa P9.8 million ang nabentang tickets ng show nina Wally at Jose considering na may isang linggo pang natitira bago ang show.

Baka umabot pa raw sa mahigit isang milyon ang mabebentang tickets ng show sa mismong araw nito kaya baka abutin pa raw ng mahigit P10 million ang benta ng ticket.

“Sobrang lakas ng show nina Wally at Jose, akala namin Zirkoh lang ang kaya nilang punuin, hindi namin ini-expect na pati Araneta ay keri na nila.

Kaya huwag na tayong magtaka kung may show ulit sila next year (2013),” kuwento pa ng isang taga-Zirkoh.

‘Yun nga lang, hindi maka-raket ng solo sina Wally at Jose sa ibang bansa dahil araw-araw sila sa Eat Bulaga unless buong show ng EB ang imbitado.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending