Grace Poe, Bongbong mag-utol daw, hinamong magpa-dna test | Bandera

Grace Poe, Bongbong mag-utol daw, hinamong magpa-dna test

Jobert Sucaldito - August 23, 2014 - 03:00 AM


Ang bagong “sinisira” ngayon ng administrasyong Aquino ay si Sen. Grace Poe. Nagsimula na silang itumba ang pinakasikat na senadora ng bansa.

Nakaramdam yata sila ng malaking threat sa katauhan ng matalino at magiting na senadora kaya sinimulan na nilang sirain sa mata ng publiko.

May kumakalat kasing balita na kesyo half-sister daw ni Sen. Bongbong Marcos si Sen. Grace dahil ang tunay na ina raw nito ay si Rosemarie Sonora, younger sister ni Ms. Susan Roces.

Nabuntisan diumano ni dating pangulong Ferdinand Marcos si Rosemarie at si Sen. Grace nga raw ang batang iyon. Hayun, pinagpipistahan na sa news ang isyu.

In fairness to that issue, narinig na namin iyan during our younger years. Okay, halimbawa lang, for the sake of argument, ano naman ngayon kung anak sa labas si Sen. Grace? Does that make her a bad person? Ka-cheapan na itong challenge nila na dapat ay magpa-DNA sina Sen. Grace at Sen. Bongbong para magkaalaman na.

Hay naku, aminin na lang nila na threatened sila kay Sen. Grace dahil pag ito ang tumakbo sa pagkapangulo sa 2016, marami ang matutulog sa kangkungan.

( Photo credit to inquirer news service )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending