James ipinagyabang ang ‘honeymoon’ sa Italy | Bandera

James ipinagyabang ang ‘honeymoon’ sa Italy

Ervin Santiago |August 19,2014
facebook
share this

James ipinagyabang ang ‘honeymoon’ sa Italy

Ervin Santiago - August 19, 2014 - 03:00 AM

MICHELA CAZZOLA AT JAMES YAP

KASAL na lang ang kulang sa magkasintahang James Yap at Michela Cazzola.

Nakita namin ang mga litratong ipinost ng PBA player sa kanyang Instagram account habang namamasyal sila ng kanyang girlfriend sa iba’t ibang bahagi ng Italy – at masasabi naming tila nag-honeymoon na ang dalawa sa kanilang mga larawan.

Mukhang enjoy na enjoy nga si James sa pagbabakasyon sa bansa ng kanyang dyowang si Michela dahil halos araw-araw talaga ay nagpo-post siya sa Instagram ng kanilang mga pictures at video habang iniikot ang mga tourist spots sa nasabing European country – as in selfie-selfie lang sila pag may time!

Umalis ang dalawa patungong Italy noong July 24 matapos mag-champion ang team ni James na San Mig Coffee Mixers sa PBA Governors Cup Finals. Ang nasabing bakasyon na ang regalo ni James sa kanyang sarili pati na rin kay Michela.

Ang ilan sa mga binisita ng magdyowa ay ang San Marino, Ravenna, Florence, Marche, Sicily at Venice. Kitang-kita sa mga larawan ang kaligayahan ni James habang kasama ang kanyang girlfriend. Marami nga ang nagsasabi na baka raw nagpakasal na sila doon dahil feeling nila nag-honeymoon na ang dalawa sa Italy.

Bago umalis sina James at Michela ng bansa, sinabi nilang wala pa sila talagang planong magpakasal ngayong taon, pero umaasa siya na sa simbahan na ang tuloy ng kanilang relasyon. Pero let’s see, baka nga naman biglang nagbago ang desisyon ni James at baka nga nag-propose na ito kay Michela habang ninanamnam nila ang ganda ng Italy.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending