True ba, Daniel, Kathryn inagawan ng Teleserye sina Enrique at Liza? | Bandera

True ba, Daniel, Kathryn inagawan ng Teleserye sina Enrique at Liza?

Reggee Bonoan |August 19,2014
facebook
share this

True ba, Daniel, Kathryn inagawan ng Teleserye sina Enrique at Liza?

Reggee Bonoan - August 19, 2014 - 03:00 AM

DANIELPADILLA, KATHRYN BERNARDO, ENRIQUE GIL AT LIZA SOBERANO

NAGULAT ang isang TV executive na nakatsikahan namin nang malaman niyang sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ang magbibida sa remake ng Pangako Sa ‘Yo na pinagbidahan noon nina Kristine Hermosa at Jericho Rosales.

Nauna kasing binanggit sa kanila na sina Enrique Gil at Liza Soberano ang gaganap kaya laking gulat nila nang mapunta ito sa KathNiel. Kaya raw pala ibang project na ang naririnig na pinag-uusapan ngayon para kina Enrique at Liza.

E, bossing Ervin, maganda rin naman ang kapalit ng Pangako Sa ‘Yo para kina Enrique at Liza, ang remake naman ng “Forevermore” na pelikula rin nina Jericho at Kristine na talagang humataw din sa takilya noong 2002.

At kung hindi kami nagkakamali ay mayroong look test ngayong araw para sa additional cast ng Forevermore na malapit nang umpisahan.

“Matatagalan pa ang Pangako Sa ‘Yo nina Daniel at Kathryn kasi marami pang inaayos at busy pa ‘yung dalawa. Next year na ‘yun,” sabi ng aming source.

At nang marinig naman ang tsikahang naming ito ng isa sa publicist ng GMA 7 ay natawa kami sa komento, “Ganu’n! Kaloka, ano kaya ang itatapat ng GMA sa Pangako Sa ‘Yo at Forevermore? Lagot na naman.”

Ha-hahaha! In fairness aminado rin naman pala ang mga tagapagtanggol ng GMA na hindi nila kayang tapatan ang hottest youngstars ng ABS-CBN.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending