Contractual sakop ng PhilHealth | Bandera

Contractual sakop ng PhilHealth

Liza Soriano - August 09, 2014 - 03:00 AM

NAGPALIWANAG ang Philippine Health Insuranc Corporation (PHILHEALTH) kaugnay sa paglabas sa pahayagan sa umano’y kakulangan ng seguridad para sa mga contractual na empleyado.

Malugod naming ibinabalita sa inyo na sa ilalim ng Republic Act 10606 o ang National Health Insurance Act ng 2013, ang mga empleyadong contractual ay kabilang sa Formal Economy kung saan napapabilang din ang mga kawani ng gobyerno at pampublikong kumpanya.

Ayon sa Section 5 (a) (3) ng Implementing Rules and Regulations ng RA 10606, kabilang sa Formal Economy ang “All other workers rendering services, whether in government or private offices, such as job order contractors, project-based contractors and the like.”
Dahil dito, ang kanilang mga employer ay obligadong ipagbayad ang kanilang buwanang kontribusyon sa PhilHealth. Kahati sila sa buwanang kontribusyon na ito na ang halaga ay nakabatay sa kanilang salary base ngunit hindi tataas sa 2.5 porsiyento ng kanilang buwanang kita.

Dahil dito, maaari silang magkamit ng iba’t ibang benepisyong medikal mula sa PhilHealth.

Kabilang sa mga benepisyong medikal na maaaring mapakinaba-ngan ng isang contractual na empleyado sa pamamagitan ng alinmang PhilHealth-accredited na pasilidad ay mga Inpatient benefits na aming binabayaran sa pama-magitan ng Case Rates; mga Outpatient benefits kabilang ang minor surgeries; mga Z benefits o mga benepisyo para sa mga sakit na pangmatagalan ang gamutan; at mga benepisyong nakatuon sa pagkamit ng Millennium Development Goals, partikular ang pagpapababa ng maternal at child mortality.

Sana ay naipaliwanag namin ng husto ang karapatan ng mga contractual na empleyado patungkol sa mga benepisyong medikal na maaari nilang makamtan sa ilalim ng National Health Insurance Program. Maraming salamat po.

Lubos na gumagalang,
(Sgd.) ISRAEL FRANCIS A. PARGAS, M.D.
OIC-Vice President for Corporate Affairs Group

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected], [email protected] or [email protected]. Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming
makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk – Mag-usap Tayo, tuwing Lunes,
Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga.
Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ust ream.tv/channel/dziq.vvv.

 

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending