Operasyon kay April Boy tagumpay, tuloy ang buhay kasama ang asawa't mga anak | Bandera

Operasyon kay April Boy tagumpay, tuloy ang buhay kasama ang asawa’t mga anak

Cristy Fermin - August 09, 2014 - 03:00 AM


Maayos na ang sitwasyon ngayon ng Idol Ng Bayan na si April “Boy” Regino.  Katatapos lang niyang magpaopera ng mga mata, lumabo ang paningin ng singer ilang buwan na ang nakararaan, pero ayon sa kanyang misis na si Madel de Leon ay nakakabawi na ngayon ng lakas ang kanyang mister.

Sumasaludo kami sa pamilya ni ABR, dahil sa mga ganitong pagkakataon ay nagtutulung-tulong ang kanyang mag-iina, halinhinan sila sa pagbabantay sa poste ng kanilang tahanan, kahit pa may kani-kanyang pinagkakaabalahan na ngayon ang kanyang mga anak na sina Charmaine at JC na kinakarir na rin ngayon ang pagkanta.

Humahatay ngayon ang piyesang “Wasak” ni JC Regino, madalas naming marinig sa halos lahat ng FM stations ang kanyang kanta, plakadong-plakado ng bagets ang boses ng kanyang ama.

Kaligayahan na ni April Boy ngayon ang makitang maganda ang takbo ng singing career ni JC, pakiusap niya sa kanyang mga tagahanga, kung anong suporta raw sana ang ibinigay nu’n ng ating mga kababayan sa kanyang mga awitin ay ganu’n din sana ang pagtanggap na ibigay ng kanyang mga tagahanga kay JC.

Maganda ang pagpapalaki nina April Boy at Madel sa kanilang mga anak dahil kahit nanatili nang maraming taon sa Amerika ang magkapatid ay hindi sila pinagbago ng kapaligiran.

“Mababait ang mga bata, mapagmahal sila, saka masarap makita ang mga anak na nagkakasundo. Hindi nag-aaway sina Charm at JC, magkaibigan sila,” puri pa ni Madel sa kanyang mga anak.

Tumigil na sa pagkanta si April Boy, abala sila ngayon ni Madel sa pamamahala sa kanilang direct selling office, isa sila sa pinakamalakas na magbenta ng napakaepektibong Sante Pure Barley na may malaking naging tulong sa pagpapagaling ni April Boy.
Ito ang produkto mula sa New Zealand na malaking milagro ang nagagawa sa sakit ng mga kababayan natin.

( Photo credit to april boy regino official fanpage )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending