Ellen game na game sa pagpapakita ng Boobs: Fake naman sila, e, kaya ok lang! Bandera

Ellen game na game sa pagpapakita ng Boobs: Fake naman sila, e, kaya ok lang!

Ervin Santiago |July 17,2014
share this

Ellen game na game sa pagpapakita ng Boobs: Fake naman sila, e, kaya ok lang!

Ervin Santiago July 17, 2014 - 03:00 AM

HINAMON ng sexy star na si Ellen Adarna ang mga taong nagsasabi na meron siyang  sex video. Kumakalat kasi sa social media na bukod sa mga nude photos niya na makikita sa internet, meron din daw siyang video scandal.

Ayon kay Ellen, totoong meron siyang mga hubad na larawan, kuha raw ang mga yun sa mga photo shoot na ginawa niya noon, kabilang na diyan ang isang litrato kung saan hubo’ hubad siya.

“I have nude photos from photo shoot. But sex video? I don’t have. Ipakita na lang muna nila before sila magkalat. But I’ve done photo shoot even before I started showbiz.

Nude siya, pero hindi mo malalaman na ako,” diretsong sabi ng sexy star sa isang interview. Hanggang ngayon ay pinagpipiyestahan pa rin sa internet ang exercise video ni Ellen kung saan wala siyang suot na bra, in fact, dito talaga nagsimulang umingay ang pangalan ni Ellen.

Pero kuwento niya, hindi niya in-expect na magiging viral ang video na yun. Ibinuking din ng dalaga na may takip ang nipples niya nang gawin niya ang nakakalokang video.

“Kung alam lang nila kung ano ang ginamit kong pangtakip nun, Band-Aid! That’s my secret! At saka, that wasn’t mean to be viral. Hindi namin ini-expect na naging viral yun, kasi we did it for fun—me and my friends.

“That’s for film school. At hindi ko inakala na magiging viral yun.  Hindi naman ako nag-nude. Pero wala siyang sports bra. E, kasi naman, my boobs are fake! So, hindi siya masakit, kasi hindi siya totoo.

Hindi ko alam kung bakit nagiging isyu sa mga tao na masakit daw, e, hindi naman,” natatawang chika pa ng sexy star.
Kung may offer sa kanya na maghubo’t hubad uli sa pictorial o sa pelikula, game ba siya? “It depends, it depends.

Kung gusto ko ang project. Hindi naman porke’t nag-level up ng konti, choosy ka na. It really depends sa concept or sa tema ng movie.”

In fairness, understanding at mabait ang boyfriend ni Ellen na si Raoul Olbes dahil okay lang dito ang ginagawa niyang pagpapakita ng katawan at hindi ito nagseselos sa mga lalaking nagpapantasya sa kanyang dyowa, “Yes, he’s very proud and supportive.

Wala naman akong masabi about nagseselos or anything, wala.”

( Photo credit to ellen adarna official fanpage )

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending