Marian unti-unting nabura ang kanegahan, napakalaki ng utang na loob sa Eat Bulaga | Bandera

Marian unti-unting nabura ang kanegahan, napakalaki ng utang na loob sa Eat Bulaga

Dinno Erece - July 05, 2014 - 03:00 AM


Unti-unti nang nabubura ang pagiging nega ni Marian Rivera. Hindi maikakaila ang tagumpay na tinatamasa ngayon ng Kapuso Network Primetime Queen.

Masasabing mas lalong nagniningning ang kanyang career dahil sa kabi-kabilang TV projects, major endorsement deals, at dami ng awards na kanyang nakukuha.

Kamakailan lang, itinanghal si Marian na Media Magnet of the Year sa launch ng Yahoo! Celebrity Awards. Si Marian ang kinilala bilang pinakasikat at pinakapinag-uusapan sa entertainment industry.

Bukod dito, muling nagreyna si Marian matapos siyang tanghalin bilang Sexiest Woman in the Philippines ng FHM. Si Marian ang kauna-unahang celebrity na nakasungkit ng titulo ng tatlong beses.

Una siyang kinilala bilang Sexiest Woman in the Philippines noong 2008. Sa taong ito, mahigit 1.5 million votes ang nakuha ni Marian. Halos doble ito ng nakuha niyang boto noong 2013.

Kung dati lahat ng news about Marian, kanegahan, nabago na ito since the start of this year, lalo na nang maging bahagi na siya ng dabarkads sa Eat Bulaga.

Mas dumami pa ang humanga kay Marian dahil sa kanyang kalokohan kasama sina Jose, Wally at Paolo sa One For All, All For Juan segment ng EB.

Right now, abala si Marian sa pag-eensayo para sa kanyang dance show at mas lalong nagiging kapana-panabik ang Saturday nights ngayon dahil sa dance numbers niya  na tampok sa kanyang programa.

Bukod sa angking galing niya sa pag-indak, makikita rin dito ang husay at talento ng ilan pang kilalang performers sa bansa. Bahagi rin ng Marian tonight sina Christian Bautista, Paolo Ballesteros at Asia’s Pop Sweetheart Julie Anne San Jose  pagkatapos ng Pepito Manaloto sa GMA.

( Photo credit to EAS )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending