PNoy sinupalpal na naman ni Ate Guy, nakuryente sa isyu ng droga | Bandera

PNoy sinupalpal na naman ni Ate Guy, nakuryente sa isyu ng droga

Alex Brosas - July 03, 2014 - 03:00 AM


NAG-BOOMERANG kay President Noynoy Aquino ang sinabi niyang kaya niya inilaglag sa National Artist list si Nora Aunor ay dahil na-convict ito sa drug case sa Amerika.

Looks like the president was misinformed dahil nagsalita ang lawyer na humawak sa kaso ni Ate Guy at sinabing the actress was never convicted, hindi ito nakulong, hindi na-rehab at nakapasa sa 40 random drug tests.

Sabi pa ng female lawyer ni ate Guy, kung na-convict ang actress ay hindi na ito dapat naisyuhan ng green card. So, nasaan na ngayon ‘yung sinasabi ni P-Noy na na-convict si Ate Guy? Where did he get it?

Hindi ba’t nagmukhang katawa-tawa ang Pangulo for saying na na-convict ang isang tao pero hindi naman pala. Nakakahiya na it came out from our President.

With his blunder ay lalo tuloy kaming napabilib kay Ate Guy when she wore a T-shirt which said, “Proud to be Filipino, Ashamed of my Government.”

Kami naman, magsusuot din kami ng T-shirt na merong ganitong mensahe, “PROUD TO BE A PINOY, ASHAMED OF PNOY!”
Anyway, ang daming nagtanggol kay Ate Guy lalo pa’t sinabi ng lawyer niya na hindi convicted ang Superstar sa drug case.

Nagpapatunay lang daw ito na nagsisinungaling ang inyong Pangulo tungkol sa pagkalaglag ni Ate Guy sa pagiging National Artist.

“Sayang ang Katarungang Pagbabago kung mismo ang Pangulo ang siyang humuhusga sa mga taong tulad ng SUPERSTAR. Sabi nga nila marami ng gawain ang pangulo at nakakadagdag lang ang National Artist na ito, pero kung sa isyu na ito ay mali ang desisyon niya what more sa iba pa?

“Isa lang masasabi ko sa issue na ito; lahat ay may karapatang mabuhay muli ng marangal lalo na nga’t hindi naman pala convicted ang iyong nahusgahan.”

“Di naman pala convicted si NORA. Ibigay na sa kanya ang NATIONAL ARTIST award. DESERVING NAMAN TALAGA siya at sa lahat ng naging artista ng Pilipinas, siya lang ang ang nagwagayway ng bandila ng Pilipinas sa buong mundo.”

( bandera.ph file photo )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending