Mga Laro Ngayon
(The Arena, San Juan)
10 a.m. EAC vs St. Benilde (jrs/srs)
2 p.m. San Sebastian vs Jose Rizal
Team Standings: San Beda (1-0); San Sebastian (1-0); Perpetual Help (1-0); Arellano (1-0); JRU (0-1); Letran (0-1); Lyceum (0-1); Mapua (0-1); EAC (x-x); St. Benilde (x-x)
PUNTIRYA ng San Sebastian College ang ikalawa nitong panalo ngayon pero tiyak na masusu-bukan ang lakas nito sa pagharap sa host Jose Rizal University sa pagpapatuloy ng Season 90 NCAA men’s basketball sa The Arena sa San Juan City.
Magsisimula ang laban pagkatapos ng laro sa pagitan ng Emilio Aguinaldo College at St. Benilde na kapwa magpupugay sa season na ito.
Inaasahang magiging mahigpitan ang labanan sa hanay ng Generals at Blazers dahil buo pa rin ang core players ng koponan na naglaro noong isang taon.
Galing ang Generals sa pinakamagandang kampanya sa NCAA noong nakaraang taon sa naitalang 10-8 karta at sina Noube Happi, Jan Jamon at John Tayongtong ang siyang magdadala sa tropa ni coach Gerry Esplana.
Ipantatapat ng Blazers sina Mark Romero, Paolo Taha at Jonathan Grey na tiyak na mas mahusay ngayon bunga ng kara-nasang nakuha noong 2013 sa unang taon sa koponan ni coach Gabby Velasco.
Sa pagbubukas ng liga noong Sabado ay naungusan ng Stags ang Letran Knights, 85-83, habang ang Heavy Bombers ay galing sa 49-57 kabiguan sa kamay ng 4-time defending champion San Beda.
Huhugot uli ang tropa ni Stags coach Topex Robinson ng lakas sa kanyang mga guards para tapatan ang mas matikas na laro mula sa bataan ni Heavy Bombers coach Vergel Meneses.
Patuloy na aasahan ni Robinson Sina CJ Perez, Jamil Ortuoste at Jovit dela Cruz.Bukod sa Stags at Red Lions ay nasa itaas din ng team standings ang Perpetual Help Altas at Arellano Chiefs matapos manaig kontra Mapua at Lyceum.
( Photo credit to frederick nasiad )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.