ALAM mo ba na kapag walang wiper ang minamaneho mong sasakyan ay pagbabatarin ka ng P150? Ang marumi o mabahong sasakyan ay pagmumultahin ng P300. Ang sira-sirang sasakyan, pribado man o publiko, ay pagmumultahin ng P1,000. Kukumpiskahin ang plaka nito at isosoli lamang kapag naayos na ang sira. Kapag hindi naipinta ang ruta ng PUJ, filcabs, shuttle services, trucks for hire, taxis at katulad na For Hire motor vehicles, ang multa ay P500. Kukumpiskahin rin ang plaka at mababawi lamang kapag naiwasto na ang pagkukulang. Ang di pagpinta ng business o trade name sa for hire vehicles ay may multang P500 at kukumpiskahin rin ang plaka. Maisosoli lamang ito kapag naiwasto na ang pagkukulang. Kaibigang kapwa driver, marami pa kaming tip para sa iyo. Sundan bukas. Hasta la vista.
Lito Bautista, Executive Editor – BANDERA September 17, 2009
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.