Bea Alonzo idenemanda ng dating driver?

Bea Alonzo may patong-patong na kaso nga ba matapos idemanda ng dating driver?

Reggee Bonoan - June 29, 2024 - 08:53 AM

Bea Alonzo may patong-patong na kaso nga ba matapos idemanda ng dating driver?

PHOTO: Instagram/@beaalonzo

ISA sa mga araw na ito, nakatakdang dumalo ang aktres na si Bea Alonzo sa hearing ng kasong isinampa ng dati niyang driver na si Efren Torres de los Reyes sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Ito ang ibinalita ni Nanay Cristy Fermin sa programang “Cristy Ferminute” sa Radyo 5 92.3 TRUE FM habang hawak-hawak niya ang dokumentong naglalaman ng mga reklamo ng drayber.

Sabi ni ‘nay Cristy, “Nagkaso po si Efren Torres delos Reyes, Jr sa NLRC Department of Labor and Employment.  Bibigyan po sila ng pagkakataong magkausap at magkita sa gitna dahil napakarami po ng reklamong isinumite nitong si Efren Torres.”

Binasa ng CFM host ang mga reklamo ni Efren sa dating among si Bea ay ang night shift differential pay, overtime pay, holiday pay, 13th month pay, illegal dismissal, maltreatment, harassment, payment of separation pay.

Baka Bet Mo: Dominic dedma sa rebelasyon ni Bea; tinulungan ni Juday mag-move on

“Ang dami nilang pag-uusapan, ang dami nilang dapat ayusin dito. Isa po ito sa dahilan kung bakit tayo (Romel Chika) kinasuhan ni Bea.

“Kailangang kumilos si Bea tungkol dito dahil isa palang ito at ang balita namin ay marami pang susunod pa,” payo pa.

Dahil inisa-isa ang mga reklamo ni Efren Torres delos Reyes ay nalaman ng publiko na hindi nagbibigay ang aktres ng 13th month pay.

Alam kaya ni Bea na nasa batas ang pagbibigay ng 13th month pay?

Sabi pa ni ‘nay Cristy na ang DOLE ang hinihingan ng mga manggagawang Pilipino ng tulong kapag sa tingin nila ay hindi patas ang pagtrato sa kanila ng taong pinaglilingkuran.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukas naman ang BANDERA sa isyung ito, lalo na sa panig ni Bea tungkol dito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending