Pagsusuot ng face mask ng mga manggagawa boluntaryo na rin, DOLE naglabas ng protocols | Bandera

Pagsusuot ng face mask ng mga manggagawa boluntaryo na rin, DOLE naglabas ng protocols

Pauline del Rosario - November 04, 2022 - 10:21 AM

Pagsusuot ng face mask ng mga manggagawa boluntaryo na rin, DOLE naglabas ng protocols

INQUIRER.net stock photo

KASUNOD ng pagpirma ni Pangulong Bongbong Marcos sa “voluntary” na pagsusuot ng face masks sa indoor at outdoor spaces ay naglabas ng kautusan ang Department of Labor and Employment (DOLE) para sa mga manggagawa.

Pinirmahan ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma ang “Guidelines on the Voluntary Wearing of Face Masks in Workplaces.

Ayon kay Laguesma, “This Advisory shall cover all workers and workplaces in the private sector.”

“The wearing of face masks in workplaces shall be voluntary,” dagdag pa niya.

Gayunman, nilinaw ni Laguesma na “required” pa rin ang face masks sa ilang lugar gaya ng healthcare facilities, partikular na riyan ang mga clinics, ospital, laboratoryo, etc.

Exempted din sa voluntary wearing of face mask kung nasa medical transport vehicles, gaya ng ambulansya at paramedic rescue vehicles.

Dapat naka-facemask din sa lahat ng mga pampublikong sasakyan.

Nabanggit din ng DOLE sa kanilang anunsyo na sana mag-face pa rin ang mga matatanda, wala pang bakuna kontra COVID-19, at ‘yung mga may karamdaman.

“Elderly, immunocompromised, unvaccinated, and symptomatic individuals, individuals with comorbidities, and pregnant women are highly encouraged to wear face masks,” sey sa advisory.

Panawagan pa ng kagawaran na dapat magtulungan ang employer at manggagawa upang matiyak ang ligtas at malusog na kondisyon sa pagtatrabaho alinsunod sa bagong kautusan.

Sey ng ahensya, “Employers and their workers have a shared responsibility to ensure safe and healthful working conditions in accordance with the provisions of the Labor Code of the Philippines, as amended, Republic Act No. 11058, and minimum public health standards.”

Read more:

John Arcilla sa boluntaryong pagsusuot ng face mask: Iginagalang ko ang desisyon ng bawat isa

John Arcilla tuloy pa rin ang pagsusuot ng face mask: Hindi kalayaan ang itaya ang sarili sa peligro

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Romnick Sarmenta umalma sa boluntaryong paggamit ng face mask

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending