DOLE sa employers: Don’t sanction workers when absent due to calamity
HINDI dapat parusahan ang mga manggagawang hindi makakapasok dahil sa matinding bagyo.
Ito ang paalala ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Kristine sa malaking bahaging Luzon at Visayas.
Hindi lang ito dahil sa nasabing bagyo kundi na–a-apply din sa kahit anong weather-related disturbances o iba pang kalamidad.
Nabanggit din ng kalihim ang Labor Advisory No. 17 noong 2022 na nagbibigay sa mga private employer ng sariling pasya pagdating sa pagsususpinde ng trabaho upang matiyak ang kaligtasan at kalusugan ng mga manggagawa during weather disturbances and similar occurrences.
“We know that private companies have the discretion to suspend work, and let us not discipline those who will not be able to work,” sey niya sa isang media forum na naganap sa Manila Hotel kamakailan lang.
Baka Bet Mo: Pagsusuot ng face mask ng mga manggagawa boluntaryo na rin, DOLE naglabas ng protocols
Wika niya, “That is my reminder and appeal to our employers.”
Pareho ito sa inilabas na advisory ng Department of Labor and Employment (DOLE) kamakailan lang na sinasabing ang pag-absent ng empleyado dahil sa nasabing kondisyon ay hindi basehan upang patawan ng “administrative sanction.”
Kasunod niyan, nagsabi rin si Laguesma na ang mga employer ay maaari ding magbigay ng tulong sa kanilang mga empleyado.
“Of course, the general principle is no work, no pay. The company policies or practices may have a situation or collective bargaining agreement, they can provide help to our workers,” sambit ng Labor secretary.
Magugunitang maraming paaralan at tanggapan ng gobyerno sa Luzon at Visayas ang nagsuspinde ng ilang araw dahil sa epekto ng bagyong Kristine.
Base sa situational report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umabot na sa 14 ang patay –isa ang confirmed habang 13 ang vina-validate pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.