Reality show ni Jasmine sa TV5 pinatigil
How true na problemado ngayon ang TV5 management kung ano ang isasalpak sa timeslot ng programang Jasmine na pinagbibidahan ni Jasmine Curtis-Smith na idinidirek ni Mark Meily?
Mababakante kasi ang nasabing timeslot dahil hindi umere ang pangalawang episode ng Jasmine noong Linggo dahil pina-pack up ni direk Mark ang taping noong Biyernes.
Nagkaroon daw ng problema sa taping kung saan may mga stalker ang TV host-actress at inamin din na nangyari na ito sa kanya noon pa dahil na-hack ang social media accounts niya nang ipamigay niya ang kanyang cellphone number.
Habang tinitipa namin ang balitang ito ay wala pang kumpirmasyon kung kailan magre-resume ang taping ng show na produced ng Unitel at Ace Saatchi.
Tinanong namin ang taga-TV5 tungkol dito pero hindi rin kami masagot at itinuro kaming tanungin si direk Mark Meily kung kailan siya magre-resume ng taping.
Mahina ang signal ng Globe sa Cubao kahapon kaya hindi kami makakontak kay direk Mark. Guaranteed contract si Jasmine sa TV5 for three years kaya maski na may ginagawa siyang shows o wala ay siguradong may buwan-buwan siyang suweldo na balita namin ay sobrang laki kaya kailangan nilang bawiin ito.
Samantala, going season 3 naman ang SpinNation social media program ni Jasmine sa TV5 na napapanood tuwing Sabado, 11 p.m..
( Photo credit to jasmine curtis official fanpage )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.