CBCP: Do not lead your kids to a wrong direction | Bandera

CBCP: Do not lead your kids to a wrong direction

- June 03, 2014 - 04:46 PM

LALO pang nagiging kontrobersyal ngayon ang kilalang boy band na One Direction, matapos magbigay ng pahayag ang Catholic Bishops Conference of the Philippines.

Nanawagan ang Simbahang Katolika sa mga magulang na huwag payagan ang mga anak na manood ng concert ng British boy band na One Direction o 1D.

“Do not lead them to a wrong direction…be discerning to where you are leading your children,” payo ni   CBCP Commission on Youth Fr. Conegundo Garganta sa mga magulang matapos ang mga balita na mismong sila pa ang nagtitiyagang pumila para lamang maibili ng tiket ang mga anak sa concert ng grupo na nakatakda sa Marso 2015.

Idinagdag ni Gargantana bukod sa napakamahal ng tiket, hindi rin magandang ehemplo ang grupo para sa mga kabataan.

Ito’y matapos kumalat ang video na kung saan makikita ang dalawa sa mga miyembro nito ang gumagamit ng marijuana.

Nanawagan din ang pari sa  pamahalaan na i-ban ang One Direction sa Pilipinas.  Ayon sa pari kailangang “to protect the minds and senses of Filipinos from being poisoned.”

Nauna nang nanawagan ang isang grupo na isailalim ang mga miyembro ng One Direction sa drug test bago payagang makapagtanghal sa bansa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending