TUNAY ngang hindi hadlang ang kahirapan para makapag-aral o makamit ang inaasam na tagumpay sa hinaharap.
Bagaman nagtatrabaho sa ibang bansa at nagtitiis ng hirap ay marami pa rin sa mga OFWs ang hindi pa rin kayang tustusan ang pag-aaral ng kanilang mga anak dahilan sa napakaliit na sweldo at mataas na
tuition fee.
Kaya naman higit pang pinaigting ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang kanilang scholarship program para sa mga anak ng mga overseas Filipino workers (OFWs).
Taong 2005 nang magsimula ang Education for Development Scholarship Program (EDSP) ng OWWA na hanggang sa kasalukuyang ay ipinaiiral pa rin at lalo pang
pinag-iibayo ang programa.
Ang OWWA scholarship program ay bukas para sa mga anak ng mga itinuturing nating mga “bagong bayani” o ang mga kababayan natin na nagtatrabaho sa ibayong dagat.
Ayon kay OWWA administrator Carmelita Dimzon na dati ring professor sa isang unibersidad, prayoridad ng kanyang pamamahala ang edukasyon.
May tatlong criteria para sa OWWA scholarship program.:
Una na rito ay ang highly competitive scholarship program na kung saan ay kinakailangang sumailalim sa competitive examination ang mga anak ng OFWs na para mapabilang sa libreng edukasyon. Pipiliin naman ang first top 200 applicants para makapag-enroll sa anumang kolehiyo o iba’t-ibang unibersidad.
Pangalawa, nabibigyan din ng libreng pag-aaral ay ang mga anak ng OFWs na mababa ang sweldo su-bali’t matatalinong mga bata.
At pangatlo, may
scholarship grant din ang mga anak na namatay na OFWs.
Bukod sa pagbibigay ng scholarship sa mga anak ng OFWs, tinutulungan din ng OWWA ang mga nagsipagtapos na makahanap ng trabaho .
Ngunit maipagmamalaki naman na marami sa mga scholars ng OWWA ay graduate with honors. Isa raw ito sa ibinibigay na hamon ng OWWA upang higit pang paghusayin ng mga estudyante ang kanilang pag-aaral.
Ngayong school year 2013-2014, isa ang nagtapos na Summa Cum Laude; lima ang Magna Cum Laude; 25 ang Cum Laude at siyam ang recipients ng Special awards/citation na karamihan ay ga-ling sa mga kilalang unibersidad na kung saan sila binigyang pagkilala o recognition ng OWWA sa kanilang taunang ‘Presentation & Recognition of OWWA scholars
Taun-taon ay nanga-ngalap ang OWWA ng mga anak ng OFWs para sa kanilang scholarship program.
Ang inyo pong lingkod ay maaari ring mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapag- lingkuran sa abot ng
aming makakaya.
Kaya naman huwag kayong mag-atubiling sumulat sa Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City.
Maaari rin kayong mag-email sa [email protected] or [email protected] Serbisyo publiko sa AKSYON LINE. Kakampi mo! Maaasahan!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.