Zsa Zsa na-shock sa ginawa ng bagong BF sa ASAP | Bandera

Zsa Zsa na-shock sa ginawa ng bagong BF sa ASAP

Ervin Santiago - May 26, 2014 - 03:00 AM

NA-SHOCK si Zsa Zsa Padilla nang biglang umapir ang boyfriend niyang architect na si Conrad Onglao sa ASAP kahapon. Nag-celebrate kasi ng  kanyang birthday ang Divine Diva sa nasabing Sunday musical show ng ABS-CBN.

Habang kumakanta si Zsa Zsa ng “Only Girl in the World” ni Rihanna bigla na lang umakyat ng stage ang kanyang boyfriend sabay bigay ng bulaklak.

Kitang-kita ang pagkabigla ng singer-actress sabay dialogue ng, “How did you guys do this? Conrad Onglao is a very private person!”

Tinanong siya ng isa sa mga host ng show na si Nikki Gil kung si Conrad na nga ang bagong lalaking nagpapaligaya ngayon sa kanya, ang tugon ni Zsa Zsa, “Yes, that is true. He brought back the smile.”

Humirit naman ang isa pang kasamahan nila sa ASAP na si Gary Valenciano kung naiisip na nilang magpakasal, “Paano ba? Ako ba ang magpo-propose?” natatawang chika ng Divine Diva.

Ang wish naman ni Conrad sa kanyang girlfriend, “All the love and happiness that she rightfully deserves.” In fairness, mukha namang mahal na mahal talaga nila ang isa’t isa.

Kitang-kita sa aura ni Zsa Zsa na super in love talaga siya sa nasabing arkitekto. Kamakailan, nabalita na si Sharon Cuneta ang naging tulay mg dalawa, mismong ang Megastar daw ang nag-set up sa magdyowa ng isang “blind date”.

Feeling daw kasi ni Sharon handa na ang kanyang kaibigan na pumasok muli sa bagong relasyon matapos ang mahaba-haba ring pagluluksa sa pagkamatay ng kanyang long-time partner na si Mang Dolphy.

Bago makipagrelasyon kay Zsa Zsa, naging asawa muna ni Conrad ang interior designer na si Ivy Almario, meron silang dalawang anak. Nag-divorce sila sa Amerika at annulled na rin ang kasal nila dito sa Pilipinas.

( tv grab from asap 19 )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending